CHAPTER 36

136 7 0
                                    

Chapter 36:Mrs.Sonnenfeld

Valentine's POV

Binigyan ko nang pagkakataon si Zyair.Sabi ko ngang kami na ayaw nya eh pinagpipilitan nya parin na manliligaw daw muna sya.

Tsk.Sinayang nya ang pagkakataon na hindi na sya dadaan sa panliligaw.

Papasok na ako ngayon ng gate ng University.Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko at hindi rin muna sila pumasok dahil nauna na sila sa M bar.Mga excited.

Kailangan ko kasing pumasok for Queen picturial para sa naganap na Anniversary ng university.

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa locker ko ng makita ko si Zyair na nakasandal sa tapat ng locker ko.Problema na naman kaya nito?.

"Umalis ka nga dyan,may kukunin ako!"

Nakakainis na talaga sya.Ayaw nyang umalis tinitignan lang ako at nakangisi pa na animo'y nang aasar.

"Ano ba?!.Bitawan mo nga ako!."bigla nya kasing hinawakan ang kamay ko.

"Sumama ka sakin may pupuntahan tayo."

"Saan naman?!"tanong ko sa kanya ng hila-hila nya ako sa kamay.

Nilingon ako nito."Kay mom."sagot nya.Kaya naman mas lalo akong napahinto sa paghakbang.

"Sigurado ka dadalhin mo ako sa Mommy mo?"

"Oo naman.Ipapakilala kita sa kanya."sagot nito at ngisi nya at naka pikit pa ang mata nya.

"Ayoko.Nahihiya ako."

Minsan lang naman 'to kaya papayag na ako sa gusto nya.Gagawin ko 'to hindi dahil nahihiya ako,gagawin ko 'to dahil mahal ko sya.

"Fine!.But after my shoot."

"You don't need to take a photo.Napaalam na kita."Wow,ha.Napakabilis nya talaga.

"Ang bilis naman."sambit ko.

"Syempre ako pa ba?!"pagyayabang nya.

Tinignan ko sya."Tara na?"yaya nya at lahad ng kamay nya sakin.

Tinitigan ko muna ang kamay nya tsaka ko ito hinawakan ng nakangiti pabalik sa kanya.

"Sinasagot mo na ba 'ko?"sambit nito habang nagmamaneho sya.

Tinignan ko sya."Bakit nanliligaw kaba?!"

"Oo kaya,Matagal na.Manhid ka lang kasi."sagot nito sakin."Pinagtatabuyan mo na nga ako palagi,eh."dagdag pa nito.

"Pero bakit hindi ka sumusuko?"sambit ko.

Nilingon ako nito."You know why?..."hinantay ko ang susunod na sasabihin nya."Kasi mahal kita."dagdag nya pa.

Sana maging maayos at sa mganda ka dalhin ng magamahal mo na 'yan Zyair.Sana sa tamang landas tayo dalhin ng nararamdaman nating dalawa.

"Kahit pinagtatabuyan kita,mamahalin mo parin ako?"

"Oo naman.Dahil hindi ako susuko hanggat hindi ka napapasakin.Kaya naman sagutin mo na ako."ani nito.

"Paano kung hindi mo ako pwedeng mahalin?"sambit ko.

"Ayan na naman ba?.Ipagtatabuyan mo na naman ba ako?"

"Hindi.Gusto ko lang malaman."sagot ko rito."Paano kung ako ang hindi pwedeng magmahal?.Mahahantay mo ba ako?"

Breaking The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon