Chapter 22:Wedding booth
Valentine's POV
Nasa likod ako ngayon ng University habang umiiyak at pinagiisipan kung kaya pa bang mabuo ang gown sa loob ng 13 hours.
"Ohh!"may bigla nalang nagslita sa gilid ko at abot nito sakin ng panyo.
"Nandito ka na naman ba para asarin ako,ah?!"baling ko rito habang yakap ko parin ang mga tuhod ko.
"Tsaka na 'yon,Ikaw ang pag asa ng Newborn kaya tumayo ka dyan at umpisahan ulit ang gown mo"
Naupo sya sa tabi ko at pinantayan ako.Hinawakan nya ang mukha ko at pinunasan nito ang luha ko.
"Walang model ang sumusuko sa Newborn"sambit nya pa.
"Wala na akong oras para gawin at buuhin ang gown"sagot ko rito.
"Tignan mo ako"sambit nya at ipinaharap ako sa kanya."Meron pang pag asa"dagdag nya pa sabay ngiti nya sakin at tapik ulit sa ulo ko.
"Sumama ka sakin"ani nito sabay lahad nya ng kamay nya sakin.
Ang bait nya na naman ngayon tapos kasunod na naman nito aawayin nya na naman ulit ako.
Hinawakan ko nalang ang kamay nya at tumayo ako.
"Ayusin mo muna ang sarili mo.Hindi mo rin naman gustong malaman nila na iyakin ka"
Hinampas ko sya sa braso nya at tinignan ng masama.
"Iwan mo ako,nag uumpisa ka na naman"sambit ko rito.Pero tanging ngisi lamang ang naisasagot nya sakin.
Sumunod ako sa kanya pabalik ng room namin kung nasaan naabutan namin ang mga estudyante na pinagtutulungang buuhin ang gown ko.
"See,i told you,may pag asa pa"sambit sakin ni Zyair.
Hinila ako ni Margaux at Amari papunta sa ginagawa nila.
"S'an kaba nag punta?,kanina kapa namin hinahanap!"wika ni Margaux.
"Nag pahangin lang ako"sagot ko rito.
Malapit na rin nilang mabuo ulit ang gown at halos lahat ay tulong-tulong sa pag gawa tanging ako lang ata ang walang naidulot.
Lumapit ako sa gown na kunti nalang ay buo na.Hinawakan ko ito at hinaplos.
Ibang-iba na ang ayos nito kaysa kanina.
"Idea yan ni Zyair"Amari said.
Nilingon ko naman si Zyair kaya lang wala na ito.
Hindi man lang ako nakapag thank you sa kanya.
"Valentine,gusto mo sumama mag snacks?"tanong sa'kin ni Amari.
"I'm not hungry,kayo nalang muna"sagot ko rito.
"Okay,bibilhan nalang kita"sagot nito sakin kaya naman tinanguan ko nalang ito at nginitian.
Ako nalang ang naiwan rito at ang ibang students para tulungan ako.Sinigurado na rin nila na hindi na ulit masisira pa ang gown.
"Ayaw nyo ba kumain?"tanong ko sa kanila."Pwede ako na muna ang mag tuloy nito"dagdag ko pa.
"Ms.Valentine.You're invited!"sambit ng isang babae na pumasok sa pinto.
"Invited?!"takang tanong ko.
"Yes,You are invited"pag uulit naman ng isa nya pang kasama.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pinagpagan ang suot ko.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Acak[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...