Chapter 41:Japan
Zyair's POV
Ilang araw na ang nakalipas.Hindi ako lumalabas ng kwarto ko dahil ayaw ko.Hindi ako makapaniwala na yong taong pinaglaban ko isusuko nalang ako sa isang iglap.
Ginawa kong tumakas para lang sa kanya,ginawa kong hindi mag pakasal para sa kanya.
Ang masakit pa ipinagtulakan nya ako sa taong hindi ko naman mahal at gusto,mas lalong masakit kung sa kanya nanggaling ang mga salita na 'yon.
Hindi ko sya kayang pakawalan,hindi ko sya kayang bitawan.Pero ano pa nga bang magagawa ko kung isinusuko nya na ako.
"Zyair!"sambit ni Rush
"Anong ginagawa nyo rito?!"baling ko sa kanila.
"Sumusuko ka ba ba?"sambit ni Aziel.
Ano pang magagawa ko?,iniwan na ako ng babaeng mahal ko,ang babaeng naging dahilan ng kasiyahan ko.Kung nasan man sya ngayon panigurado akong masaya sya.
"Isinuko na nya ako,kaya ano pang dahilan para hindi ako sumuko?"sagot ko rito.
"Naniniwala ka ba talaga na hindi ka mahal ni Valentine?"wika ni Theo.
Sa kanya na nanggaling na ipinaubaya ako sa iba at hindi nya ako mahal kaya isa lang ang ibig sabihin non.Hindi nya ako minahal.
"Sinubukan mo ba syang puntahan sa kanila?,sinubukan mo bang kumausap ng iba para alamin kung nasan sya?"ani pa ni Theo.
Yes,i know nasa Canada na sya,mas pinili nya ang Canada kaysa sakin.
"Bakit ko pa gagawin 'yon?.Mas pinili nya na layuan ako,kaya bakit ko pa sya hahanapin?"sagot ko rito.
"Zyair,wala ka bang gagawin para pigilan at habulin sya?.Hindi ka nya isinuko basta-basta,may dahilan kung bakit nya ginawa yon.At ang dahilan ay ikaw."sambit pa ni Theo.
Natahimik ako saglit."Mas inisip nya ang kapakanan mo kaysa sa sarili nya.Alam mo rin bang ikinulong sya sa kwarto nya at tumatakas lang sya para makipagkita sayo?!"dagdag pa nito.
Ginagawa nya yon para sakin?.Pero bakit?,bakit nya ginawa yon?
"Nalaman ko ang lahat kay Xariah.Papunta sila ng airport,papuntang Japan.At alam kong wala ka ng magagawa kapag makaalis na sya ngayon."ani pa nito.
"Mas ginusto ni Valentine na mawala sya sayo kaysa ikaw at ang mga kaibigan nya ang mawala sa kanya.Kaya isinangtabi nya ang narardaman nya para piliin ang kapakanan nyo kaysa sa kasiyahan nya."sambit naman ni Aziel.
"Nakipag-meet si Xariah samin kahapon and she said,hindi ka kayang bitawan ni Valentine,at hindi nya kaya na makita na laging umiiyak si Valentine.Your Mom and Valentine's Dad are same attitude,para silang pinagbiyak na itlog,sila ang dahilan kaya kayo pinaglalayo dahil sa nakaraan nila."wika pa ni Theo.
May kinalaman si Mom sa lahat ng ito?,kaya nila kami pinaglalayo dahil sa relasyon na namagitan sa kanila dati.
"Alam mo na ang totoong nangyari,may balak ka pa bang habulin sya o wala na?.Dahil baka wala ka ng maabutan pang Valentine."saad pa ni Theo.
"She's going to Japan,now.So,ano pang hinihintay mo? tumayo kana dyan at sundan mo sya."ani ni Rush.
"Here's your ticket."ihinagis saakin ni Aziel ang ticket at passfort ko.Agad naman akong tumayo para mag palit ng suot ko.
Pinalitan ko lang ang damit at pants ko at kinuha ang winter jacket ko.
"Let's go?"tinanguan ko nalang si Theo at bumaba na kami ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Random[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...