Chapter 25:Past
Valentine's POV
"S'an ba tayo pupunta?.Baka hinahanap na tayo nila Mom?"
"Sumunod ka lang sakin,Valentine"
"Ang layo na kaya ng nilalakad natin"
"Ang dami mong reklamo,Valentine.Gusto mo ba talagang makakita ng Butterflies?"
"Oo naman!"
"Kung ganon sumunod ka sakin"
Sino ka ba?.Bakit mo ako pinapasunod?.
Madilim,gubat,maraming puno may batang babae.Sino ka?.Bakit lagi kitang nakikita?.
"Sumama ka sakin,Valentine"
Ayaw ko,ayaw kong sumama sayo,sino ka ba?.
"Sino ka?"
"Sandali,sino ka?.Wag kang tumakbo mahuhulog ka dyan!"
"Ahhhhh!"
"Yung bata nahulog sya sa bangin,kasalanan ko hindi ko sya nailigtas,kasalanan ko!"
"Shhhh,Valentine.Panaginip lang 'yon"pagpapakalma sa akin ni Mom.
"Pero,Mama.Parang totoo sya,Sino ang babae na 'yon bakit lagi syang nasa panaginip ko?"sambit ko habang nakayakap ako sa nanay ko at humahagulgol ng iyak.
"Mama,Sino sya?!"tanong ko ulit dahil hindi lang ako nito sinagot.
"Panaginip lamang 'yon,Anak.Kaya tahan na"
Umayos ako ng upo at inalis ang pagkakayakap ko kay Mom.
Tama si Mom panaginip lamang 'yon walang connect sakin ang panaginip na 'yon kahit ilang beses ko ng nakikita ang bata na yon sa panagip ko at sa lugar rin na 'yon.
Saan kayang lugar yon?.
Naghahanda na ako para pumasok ng mag vibrate ang phone ko.
"Hello,Nicco"
"Congrats,Naipanalo mo rin"sambit nito.
"Natin,Nicco"sagot ko."How's,Tita?"dagdag ko pa.
"She's okay,right now.Hinahantay nalang namin magising"
"Eh si Tito kamusta?"tanong ko pa.
"Si Papa,gising na sya ngayon"
"That'a good! Ikamusta mo nalang ako sa kanila,Nicco.I have to go.Bye!"
Ibinaba ko na ang phone at lumabas na ako.Wala akong dalang sasakyan ngayon gusto ko kasing ma experience ang mag commute.
"Anak,hindi ka magdadala ng sasakyan mo?"
"Hindi na po,Ma"sagot ko rito.
Nag abang ako ng taxi at nagpahatid sa University.
"Sino sya?"tanong ko kay Amari sya lang kasi ang kasama ko at wala pa si Luke at Margaux.
"Sya ang ex ni Zyair.Si Madizon Wray"sagot sakin ni Amari.Nakita kasi namin na mag kausap si Zyair at yong Madizon na sinabi ni Amari.
Tsk..Bakit ba ako ganito?.Pake ko sa kanila.Pero bakit parang nakakaramdam ako ng selos?.
Valentine,hindi pwede 'to.
Naglakad nalang ulit kami papunta ng room namin.Natapos ang buong klase na lutang ako.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Random[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...