Chapter 21:Recycling gown
Zyair's POV
Hindi ko na talaga alam kung pa'no paamuhin ng asong ulol na 'yon nakakapagod sya ah.Pasalamat sya mahal ko sya.
"Alam nyo lahat nalang ng gawin ko walang effect sa kanya!"aniko sabay tayo ko at bagsak ng baraha na hawak ko.
"Ikaw ba naman kasi alukin ng ganon,kung sino hindi mainis"sagot ni Theo.
"Dapat kasi ganito--"saad ni Rush sabay tingin nya kay Theo."Valentine,pwede ba tayong lumabas bukas?"sambit pa ni Rush habang hawak ang kamay ni Theo.
"Zyair,Hindi!.Dahil napakasama ng ugali mo"sagot ni Theo kay Rush sabay pabagsak na alis nito ng hawak sa kanya.
"Kung ako rin si Valentine panigurado tatanggi rin ako sa alok sakin na ganon"singit naman ni Aziel habang nag aaral sya mag piano.
"Correct!"sagot ni Rush."Para naman kasing minaliit mo si Valentine sa ginawa mo"dagdag pa nito.
"Maliit naman talaga kasi sya"sambit ko."Ang liit kaya ng mukha non"dagdag ko pa.
"Ano ng plano mo ngayon?,sino na ka date mo sa anniversary ng univeraity?"tanong ni Rush.
"Torpe ka pa naman sa mga babae"dagdag naman ni Theo.
Hindi ko rin alam kung mga kaibigan ko pa ba 'tong mga 'to hindi man lang ako suportahan sa gusto ko napakasama rin nila sakin.
Nasa university na kami ngayon at ang lahat ay busy sa mga booth na ginagawa nila para sa darating na Anniversary.
Valentine's POV
Naririto muna kami sa field upang tignan ang mga ginagawa nilang booth at naglakad-lakad na rin habang kumakain iniwan na muna namin si Amari at Nicco sa room para tapusin ang Recycling gown na gagamitin ko at lumabas muna kami ni Luke at Margaux para bumili ng snacks nila ng mapadaan kami sa Field na busy ang lahat.
Tila ba nag slow motion ang lahat ng dumaan sa gitna ang apat na hinahangaan nila at nabaling ang mga tingin ng mga kababaehan sa apat na akala mo ay artista dahil halos lahat ay napatingin sa kanila.
"Tsk..Puro naman yabang ang leader nila"sambit ko sabay subo ng fries.
Dahil sa inis ko hindi ko namalayan na nasa harap na namin sila.
"Hey!,little puppy"sambit ni Zyair sabay haplos sa ulo ko.
"Little puppy mo mukha mo.Ulol!"sagot ko rito sabay kagat ulit sa fries na hawak ko.
"Para parin kayong aso't pusa"sambit ni Aziel.
Nauna na si Luke samin na bumalik sa room para ihatid ang mga pagkain, nagpaiwan muna kami ni Margaux rito para mag libot-libot muna.
"Valentine,diba marunong kang mag gitara?"Theo ask me.Sabay abot nito sakin ng gitara na dala ni Aziel.
"No,hindi ako marunong"sagot ko rito.
"Dali na isang beses lang"pangungulit pa nito kaya naman tinignan ko si Theo.
"Ay weak,Kailan ba naging marunong mag gitara ang aso?!"pang iinis ni Zyair.
Pag ako mag gitara ipupokpok ko yan sa ulo nya para mamatay na sya.
"I'm not weak!.And for your information hindi ako aso baka kagatin kita dyan kita mo!"
Naiinis talaga ako sa kanya,bakit ba sa tuwing nakikita ko sya feel ko nasa ulo ko ang dugo ko at naipon ito lahat, ang kabog ng dibdib ko ang lakas, ang puso ko parang gustong kumawala.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Random[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...