Chapter 6: Napkin
VALENTINE's POV
"Valentine,What happend here?"Bungad ni Dad sabay lapit sakin.
Si Theo ay hawak ng mga guard namin at nagpupumilit na kilala ako at ako ang dahilan kaya sya umakyat ng bakod at ako naman itong tudo palusot na hindi ko siya kilala kaya hindi sya binibitawan ng mga guards.
"T-theo?"Sambit ni Mom pagkatingin niya kay Theo.
"Tita,Pinagana na naman ni Valentine kalokohan nya"
Sumbong ni Theo kay mom.
"Aba wala akong kinalaman dyan!"pagpapalusot ko ng tignan ako ni mom and Dad sabay yuko ko at pasimpleng ngumisi.
Pinakawalan ng mga guard si Theo dahil kila mom.Hindi tuloy umunbra plano ko paepal mga magulang ko.
"B-bakit ganyan ka makatingin?"tanong ko kay Theo"Mangangain kaba ng tao?"dagdag ko pa rito ng ang sama ng tingin niya sakin habang magkaharap kami habang nasa sala.
"Muntik na akong huliin dahil sa kalokohan mo"Sambit nito.
Alam ko naman na may Alarm sinadya ko talaga na paakyatin siya.Wala lang gusto ko lang malaman kung gumagana ba yung Alarm.
"Bakit moko pinaakyat?May alarm pala buong bahay nyo"
"Bakit mo ako sinunod?sinong tanga satin ako o ikaw?"Pang-aasar ko rito sabay inom ng juice ko.
"Mom,Dad,Kakainin ako ni Theo!"
Tawag ko rito ng sinamaan ako ng tingin ni Theo na animoy kasalanan ko ang lahat.kasalanan ko naman talaga.
"Bakit ka pala pumunta rito ng gabing-gabi na?"Tanong ko rito.
"Bakit nga ba?"balik niya ng tanong.
Minsan may pagkatanga talaga ang lalaki na ito sarili nya hindi niya alam kung saan sya pupunta sira na talaga ang ulo nito dapat ng dalhin sa mental.
"Aba malay ko sayo buhay mo yan ako tatanungin mo"
"Meron kaba?"Tanong nito sakin kaya nanlaki ang mata ko Sabay tingin sa kaniya."Napakasungit mo"Dagdag niya pa sabay inom ng juice niya.
"Pano pag sinabi ko sayong Oo,meron ako bibilhan mo ba ako ng napkin!?"
Natulala ako ng ibuga niya sa mukha ko ang juice na nasa bibig niya.
"Ay tarantado"Lumabas nalang sa bibig ko"Muka ba akong lababo ha!?"dagdag ko pa.
"Sorry...sorry"
Pauli-ulit na lumalabas sa bibig nya habang pinupunasan ng tissue ang mukha ko.
"Bakit naman kasi ganyan ka padalos-dalos?"Tanong niya sakin sabay kuha ko ng tissue sa kanya at ako na ang nagpunas sa mukha ko.
"Ang tanong bibilhan moko?"
"O-oo naman"Sagot niya
"Bakit ka nabubulol?"Tanong ko rito sabay cross arm ko.
"Napipilitan ka lang sumagot eh"pang-aasar ko rito.
Wala naman talaga akong period ngayon gusto ko lang talaga mang asar at buti nalang pumunta si Theo rito may maasar ako.
"Kasi naman ikaw!"
"Bakit parang kasalanan ko pa?"tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Gusto ko yung non wings ha,ayaw ko ng may wings"Sambit ko rito sabay ngisi ko.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Random[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...