CHAPTER 24

119 5 0
                                    

Chapter 24:Pageant

Valentine's POV

Naka live ang pageant na magaganap.Yeah!..Magiging artista na naman ako makikita na naman ako sa TV,kakalat na naman ang mukha ko sa social media.

"Mom,Dad.Mauna na ako sainyo"

"Okay,Anak.Susunod na lamang kami ng Daddy mo"sagot sakin ni mom.

Pababa na kasi ako ng hagdan para pumunta sa University para mag handa.

Wala pa rin akong tulog hanggang ngayon buti nalang hindi ako masamang tignan ngayon.Hindi halatang sabog ako.

Lumabas na ako ng gate sakay ng kotse ko at dala lahat ng kakailanganin ko.

Nang palabas na ako ng village nahagip ng mata ko si Zyair.

Zyair?.Ano ang ginagawa nya dito?.

Ihininto ko naman ang sasakyan ko sa tapat nya habang nakasandal sya motor nya.

"What are you doing here?"

"Sinusundo ka"sagot nito.

"Bakit naman?"

"Kasi asawa kita!"sagot nito."Ang slow mo talaga!"dagdag pa nito.

Wow ha!,feel na feel nya talaga ang pekeng kasal na 'yon,ang pekeng pari na 'yon!.

"For your information you are not my husband!.Sa mata ni God wala akong asawa---"

"Pero sa mata ng mga estudyante ng Newborn,Asawa mo ako"sambit nito sabay ngisi nya.

"Sa mata nila!.Wala rin naman akong pake sa kanila kaya hindi kita asawa!"sagot ko rito sabay sara ng bintana ng kotse ko.

"Hoy,buksan mo'to!"kalabog nya sa bintana ng kotse ko."Babasagin ko 'to!"dagdag nya pa.

Hindi nya naman ako nakikita sa loob pero sya nakikita ko.

Hinayaan ko si Zyair at iniwanan sya pakialam ko sa kanya.May sasakyan naman sya.

Nasa university na ako ngayon naghahanda dahil dito rin sa University magaganap ang pageant.

Fastforward

Ilang sandali na lamang ang hinahantay at mag uumpisa na ang pageant.Naririto kami ngayon sa back stage kasama ko si Nicco na sya ring partner ko.

Hindi namin nakikita ang mga manonood pero rinig dito ang mga hiyawan nila.

Kanya-kanyang cheer ang sinisigaw,kanya-kanyang supporta.

Sa 20 na university na maglalaban-laban sa gabi na ito.Mas lalo akong kinabahan dahil isa sa mga contestant ang nag champion sa Tokyo compitation.

"Are you ready,Nicco?"tanong ko rito.

"Y-yes!" Sagot lang nito sakin kaya nginitian ko nalang sya.

"Good evening ladies and gintlemen.I am Ms.Angel Sarmiento.Welcome to 20th Anniversary of Newborn University!"

Panimula ni Ms.Sarmiento.

"To night is the newborn pageant compitation with the other universities around the philippines."

Kinakabahan ako pang 10 kami sa lahat ng maglalaban.At itong partner ko kanina pa hindi mapakali.

Breaking The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon