Chapter 17:Be my Puppy
Valentine's POV
"Ma,bakit yan nandito?!"kunot noong tanong ko rito habang naka sandal ako sa couch.
"Anak,bisit---"
"Bwesita kamo,Ma!"putol ko kay mommy.
"At ikaw ano naman ang ginagawa mo dito?,Nandito ka na naman ba para awayin ako,ha?!"baling ko kay Zyair na nakaupo.
Hindi talaga ako gagaling kapag nakikita ko ang mukha ng chonggo na to.
"Kamusta na pakiramdam mo?"
"Kanina okay ng wala ka,ngayon nasa ulo ko na ang dugo ko!"sagot ko rito sabay paikot ng eyeball ko.
"Anak,Alam mo ba na sya ang nag hatid sayo rito?"
"Wala akong pake,Ma.Kahit sya pa!"sagot ko.
Dapat lang naman yon kasi kasalanan nya naman dahil sa mga kalokohan nya.
"Excuse me lang,Ma"pagpapaalam ko sabay punta ko ng kusina.
Napakakapal talaga ng mukha nya,may pa dalaw dalaw pa.
"Yaya Carmen,ipaluto mo sa chef ang dinuguan at bulalo samahan mo na ng pakbet"bulong ko rito pagkalapit ko.
Alam ko kasi na pipigilan sya ni mom at dito pakakainin kaya naman pinapalitan ko ang ulam.
"Pero Anak sinabi na ng mommy mo ang ulam ngayon"
"Ako na ang bahala kay Mama,Yaya sundin nyo nalang ako"sagot ko pa dito.
Para makaganti sa kalokohan mo pakakainin kita ngayon.HAHAHA
"Ma,May balak pa ba yan na umalis?"
"Anak,bisita natin sya kaya ituring mo sya na bisita"Sagot ng nanay ko.
"Pero,Ma.Alam mo bang sya ang sinasabi ko sainyo?"
"Nakaaraan na 'yon,Anak kalimutan mo na"sagot lang nito sakin.
Parang nong sinabi ko sa kanila hindi maipinta ang ugali nila at gusto pang puntahan ang bahay ng lalaki na 'to tapos ngayon ang saya nya.
"Ang gwapo mo naman,Ijo"
Edi jowain mo na,Ma..
"Salamat po"sagot ni Zyair at nag bow pa sya.
"Ma,walang gwapo dyan"aniko."Ang kapal kaya ng kilay nyan kasing kapal ng mukha nya"dagdag ko pa.
"Anak..."Baling ng nanay ko sakin at tinignan pa ako.
"Bakit,Ma?.Totoo naman 'yon eh"sagot ko rito sabay ngisi ko.
"Pag pasensyahan mo na 'tong anak namin,ha.May saltik lang talaga yan minsan"saad ng nanay ko.
"Okay lang po,alam ko naman po 'yon"sagot ni Zyair sabay ngisi nito sakin na nangaasar pa.
"Tsk...wag ka ngang plastik!"baling ko rito.
"Ahhhhh.Mommy!"
Hinila nang nanay ko ang suot kong jacket kaya hindi ako natuloy sa pag walk out.
"Sa'n ka pupunta?"anito."May bisita ka rito iiwan mo"dagdag pa nito.
"Mom,Lilinawin ko lang po.Hindi po bisita,bwesita po 'yan!"sagot ko rito sabay turo kay Zyair.
Plastik naman eh pakitang tao.Bait-baitan sa harap ng magulang ko tapos pag kami lang ang sama ng ugali sakin nasa level 100 na.
"Upo!"mommy said at itinuro pa ako sa tabi ni Zyair.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Random[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...