Chapter 38:Challenges
Valentine's POV
Nakaupo ako ngayon sa field habang pinapanood ang mga naglalaro ng baseball.
Kamusta na kaya si Kuya?.
Hindi ko pa sya dinadalaw,ayaw nya na rin kasi magpadalaw kaya naman hindi na kami pumunta pa.
Hindi na rin ako mangungulit pa kay Zyair na humingi sya ng tawad dahil hindi na sya bata para sa mga ganong bagay.May isip na sya para alam nya na ang gagawin nya.
"Water?"
"H-huh?"
"Bakit parang wala ka na naman sa sarili mo?"sambit pa ni Luke.
"W-wala,ayos lang ako."kinuha ko naman ang tubig na inalok nya sakin.
"Dahil ba 'to sa nangyari kahapon?"
Hindi ako sumagot sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo ko pa syang masaktan kapag mag kwento pa ako sa kanya.
Pakiramdam ko ngayon dinudurog ako.Wala akong ibang nararamdaman kundi takot at pangamba.Nasasaktan ako sa mga nangyayari.
"H-hindi,hindi dahil kahapon.Hindi lang maganda ang pakiramdam ko."pagpapalusot ko rito.
"Tapos na kayo maglaro?"
Tinanguan lang ako nito."So,tara na?."yaya ko na sa kanya.Inalalayan ako nitong tumayo.Ipinagpag ko naman ang skirt na suot ko at kinuha ang bag ko.
"Hindi mo pa ba sya kakausapin?"tanong sakin ni Luke ng nasa Campus bridge si Zyair at mukhang ako ang hinahantay dahil napa ayos sya bigla ng tayo nya.
"Wag na muna."sagot ko kay Luke at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Valentin---"
Dinaanan ko lang sya at hindi pinansin.Nilingon sya ni Luke at tinignan ako ni Luke.
"Kausapin mo na kaya sya."ani pa nito.
"Para s'an pa?."
"Valentine!."baling sakin ni Luke.
Nginitian ko nalang sya."Oo na,kakausapin ko na!."sagot ko rito."Pero hindi ngayon."pahabol ko pa.
Iniwan ko si Luke na nakatayo lang.Hindi muna ngayon,hindi ko muna sya kakausapin para naman matuto sya sa pagkakamali nya.
FASTFORWARD
Pagkatapos ng klase ay lumabas rin ako agad.Gusto ko nang umuwi dahil hindi maganda ang pakiramdan ko.
Dadaan muna ako ng locker para kunin ang ibang gamit ko dahil iuuwi ko para sa mga school activities.
Bakit ba lagi nalang syang nakabantay sa locker ko?.
Hindi ko sya pinansin at tumuloy ako sa locker ko dahil kung iiwas ako sa kanya ngayon hindi ko magagawa ang mga activities ko.
"Excuse me."sambit ko rito dahil nakaharang sya sa locker ko.Umalis naman ito at umatras ng kunti.
Wow.Kunti lang ha!.Umatras kapa!.
"Valentine,pwede ba tayo mag usap?."
Napahinto ako sa pagkalkal ng gamit ko dahil sa kanya.
"About what?"sagot ko rito pero hindi ko parin sya hinaharap.
"Im sorry, what happened yesterday."
"Hindi ako ang sinaktan mo kaya wag kang humingi ng tawad sakin.Humingi ka ng tawad sa taong binugbog mo ng walang dahilan."sagot ko sabay sara ng locker ko at lakad ko palayo.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Random[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...