CHAPTER 39

143 9 0
                                    

Chapter 39:Francisco and Sonnenfeld past

Zyair's POV

Ang sama nang pakiramdam ko.May nararamdaman akong sakit at pagkamanhid sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag.

Gusto nang dumilat ng mga mata ko, ngunit ayaw sumang-ayon ng isip ko.Naririnig ko ang mga usapan nila pero hindi ko lang maimulat ang mata ko.

Valentine.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Valentine.

"Zyair,gising na."nakangiting panggigising saakin nito.

"Valentine?!"

"Ako nga,gising na hinahantay kana nila."

"Nila?"sambit ko rito.

Napakaganda ng ayos nya at bakas ang saya sa mukha nya habang ginigising ako.

Tumango lang ito sa'kin."Tumayo kana,hinahantay ka na nila."

"Valentine,'wag ka dyan mahuhulog ka dyan!."

Nilingon lang ako nito ng nakangiti."Paalam,Mahal ko,"

"Valentineee!"

"Zyair,Naririnig mo ba ako?"sambit ng Doctor na nasa harap ko.

"Nakikita mo ba ako?"tanong pa nito.

Tumango-tango ako bilang sagot.

"V-Valentine?"

Yumoko lang sila nang sambitin ko ang pangalan ni Valentine.

Hindi nila ako sinagot kaya tinignan ko sila.

"Z-Zyair."sambit ni Theo.Binalingan ko sya ng tingin.

What the fuck?!.

Agad kong inalis lahat ng nakakabit sa akin ng maalala ang nangyari sa amin ni Valentine.

"Where's Valentine?!"hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sumigaw sa harap nila.

"Zyair,kumalma ka muna."ani ni Aziel.

Hindi totoo ang nasa isip ko.Hindi isinakripisyo ni Valentine ang sarili nya para sa'kin.Hindi!.Hindi maaari 'to.

Kahit nahihirapan akong maglakad hinanap ko parin ang kwarto ni Valentine dahil hindi ako naniniwalang iiwan nya ako.Hindi ako naniniwalang wala na sya.

"Zyair!"

Hindi ko lang pinansin ang mga kaibigan ko kahit na ilang beses na nila akong tinatawag.Pinagtitinginan na rin ako ng mga tao rito sa hospital dahil sa inaasal ko.

Basta ang akin lang wala akong pake dahil mas mahalaga si Valentine kaysa sa mga tingin nila.

"Miss,Valentine Francisco's Room number?"tanong ko sa nurse na nasa nurse station.

Tinignan nito ang computer at cheneck.

"I'm sorry ,Sir."

"What do you mean?"

"Wala na po sya."

Xariah's POV

Nasa mansion na kami ngayon habang hinihintay nalang na dumating si Valentine.

Hindi ko matanggap na sa isang iglap lang mawawala sya.Hindi pa naman ako nakakabawi sa mga nagawa ko sa kanya.Naghahanda kami ngayon para sa pagdarating nya.Para salubungin sya.

Breaking The RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon