Chapter 33:Christmas
Theo's POV
"Zyair,kahit kailan talaga sira ulo ka."ani ko rito.Kakatapos ko lang lagyan ng benda ang sugat ni Valentine para maiwasan ang pagdurugo nito.
Binalingan lang ako nito ng tingin."How is she?"walang emosyong tanong nito.
Kita mo, matapos nyang takutin tatanong-tanong sya ngayon.Katangahan nya talaga.
"Nasa terrace sya.Puntahan mo kung gusto mo."
"Tignan lang natin kung kausapin ka."pahabol naman ni Rush sabay inom nya ng wine nya.
Isa rin 'to kanina pa inom ng inom ng wine.
Hindi kumibo si Zyair at para bang nag isip ito dahil namalagi ang katahimikan sa kanya.Ang walang ekspresyon na mukha nito.
"Pa'no mo sya mapapasagot kung nag uumpisa ka palang mapanakit kana."sambit naman ni Aziel.
"Pwede ba tigilan nyo nga ako!.Nag iisip ako ng gagawin ko."sarkastikong sagot ni Zyair.Tumayo ito at padabog na lumabas.
Gagawin kaya non?.Apat na oras nalang nuche buena na tapos may LQ na naman ang dalawa na yon.
"Wala pa nga silang label.May away na agad."sambit ni Rush at iling-iling nya.
Panigurado ako na kay Valentine ang punta nito.
May dala akong isang bote ng wine at dalawang glass.Tinungo ko naman ang terrace kung nas'an sya.Mabilis ko rin itong nakita.
Nakaupo ito sa harap ng mesa at nakapatong ang paa nya rito.
Tinignan ko ang wine na hawak ko.Baka kapag nilapitan ko na naman sya may hindi maganda na naman na mangyari sa kanya.Nag ce-cellphone lang ito at mukhang kumakain.Na naman?!.
Lalapitan ko na sana sya ng dumaan sa harap ko si Zyair.Tinignan ko ulit ang wine na hawak ko.
"Ohh.."Abot ko sa kanya ng wine.Tinignan lang ako nito.
"Lapitan mo na sya."
"Per--Ayoko nga!"
"Napaka attitude mo talaga.Mahalaga pa ang pride mo kaysa sa sorry."sagot ko rito."Kapag hindi mo sya nilapitan,ako ang lalapit sa kanya at aagawin ko sya sayo."pagbabanta ko rito sabay ngisi ko.
Tinignan lang ako nito ng matalim pero naka ngisi parin ako sa kanya.
"Tsk..Ang sama talaga ng ugali mo!."inagaw nya sa'kin ang wine na hawak ko at tinignan ako nito.
Tinignan ko si Valentine na naka upo parin."Good luck."sambit ko sabay talikod ko.Iniwan ko sya na nakatayo malapit sa terrace.
Valentine's POV
Habang nag papasalamat ako sa mga bumabati sa'kin ng Merry Christmas ay tumawag si Nicco kaya sinagot ko naman ito.
Sila Amari ay nasa kwarto panigurado nag lalaro na naman ang dalawa na 'yon.Susunod nalang daw sila.
"Nicc---Luke?."
"Hi,Valentine.Merry Christmas."bati nito.
"Bakit nasayo phone ni Nicco?"
"Hay naku,ewan ko ba sa lalaki na 'yon tinawagan ka tapos sakin ka pinakausap."sagot nito sakin.
"Valentine.'Wag kang maniwala sa kanya.Sya 'tong kanina pa gustong makita ka."singit ni Nicco.
BINABASA MO ANG
Breaking The Rules
Random[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart ?. What if you obeyed your heart rather than your father's rules? What if because of following your...