SPECIAL CHAPTER 1
Zin & Caylee's Past
Caylee's POV
*First Meeting*
"Good luck my princess!" Dad even kissed my forehead while my Mom hugged me and fixed a loose strand on my braided hair. "Make us proud!"
I smiled and nodded. "Opo Mama and Papa! Gagalingan ko po!"
They promised me, we'll go to Disneyland if I win. Hindi pa ako nakakapunta do'n kaya goal ko talagang manalo.
Inalalayan na ako ni Oliver sumakay sa kotse then I waved at my parents.
Today is the National Spelling Bee contest. I'm currently in preparatory level and I will be representing my school, Ashton International School. Top 1 kasi ako sa klase namin at palagi pang perfect ang mga scores ko. Sabi nga nila, mas matured or ahead na daw ako kesa sa edad ko. I don't understand what that means but I think it's a good thing naman.
Pagbaba ng limo ay sinalubong ako ng teacher ko. My parents couldn't join me today because of work. Okay lang din naman dahil ire-record naman ng yaya ko ang buong program at panunuorin naming tatlo ito nila Papa mamayang paguwi ko.
Pagpasok sa room ay bigla akong kinabahan. Ang daming mga tao ngayon! Halos lahat ng mga magulang ay nandito at napakarami ring mga estudyante mula sa iba't-ibang mga paaralan.
"Eww, go away!" I whispered to the kid who sat beside me. Naiinis ako tuwing may tumatabi sa akin na uhugin na bata.
"Caylee, that's bad! Say sorry to your friend," My teacher ordered around.
I pouted. He's not my friend! "Pero teacher, sabi ng Mama at Papa ko, princess ako! Kaya dapat hindi talaga ako tinatabi sa mga katulad nila!" I complained. "Huy bata, may limousine ba kayo?"
"Limousine? Ano 'yon?"
Mas lalo akong sumimangot. "Wala kayong limousine? Bakit? E ako laging sumasakay doon."
"Ah sasakyan ba 'yon? May kotse naman kami---"
"Wala akong pake! 'Yung mama mo ba, may Prada at Dior na bag?"
"Ha? Ano 'yon?"
Dinig kong tumatawa ang teacher ko sa gilid habang sinusuway ako. "Caylee, wag ganyan."
Hindi ko siya pinansin. "Prada at Dior, hindi mo alam? Tatak ng bag lang hindi mo na alam, paano ka lalaban ngayon sa quiz bee?"
"May bag naman Mama ko."
"So? 'Yung papa mo ba boss ng isang kumpanya? Kasi 'yung parents ko parehas silang boss. Someday ako daw magiging may ari ng lahat ng 'yon! E ikaw?"
Tumingin siya sa akin na para bang naiiyak siya. "Ewan ko," sagot niya.
"See teacher! He's not like me! He can't sit with me!" I frowned at the kid. "Choo! Alis!" Biglang umiyak 'yung bata at tumakbo sa nanay niya. Iyakin!
"Caylee, mali 'yon. Hindi mo dapat pinagmamayabang ang kung anong meron ka. Hindi dahil sa hindi kayo parehas ng mga gamit at estado ng buhay ay ibig sabihin, tatratuhin mo na siya nang masama," My teacher scolded me.
BINABASA MO ANG
World of the Elites (Elite Girls 1)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Growing up, all Caylee ever wanted is to win the Annual Elite Game, a competition among the young ultra-wealthy elites in the Philippines but she starts losing focus when her number one rival, Zin, begins to flirt with her. Wh...