Chapter 50 - Down

5.5K 239 320
                                    

CHAPTER 50

DOWN


"Why are you still in bed?!" sigaw ni Tiffany na siyang ikinagising ko. I groaned in annoyance and covered my ears with my pillow.

"Go away!" pagrereklamo ko lalo na nang binuksan niya ang kurtina upang masinagan ako ng araw.

"I sent you a message last night and you didn't even bother reading it? Luh siya. It's your birthday! Aren't we going to celebrate?"


Nagkumot ako at hindi siya pinansin.

Anong ise-celebrate ko? Kagaguhan ng boyfriend ko? 'Wag na lang.


"I hate to say this but I can't be with you the whole day today. Mom wants me to to go with her to Elysian, you know the town beside Cythella. Ilang hours din daw ang drive papunta doon kaya aalis na kami ng lunch time para 'di kami masyadong gabihin. Sorry kung 'di ako makakasama sa party mo. Bawi ako pagbalik ko."


Inihawi ko ang kumot ko upang makita ko siya. "Bakit 'di na lang kayo mag-helicopter or sumakay ng airplane papunta don?"


"Land transportation lang daw ang allowed do'n. I know, it sucks but anyway I'll be staying there for a week. Kakayamot nga cause I heard, nasira daw ang cell tower do'n yesterday. Wala pa daw internet sa lugar na 'yon kaya hindi niyo talaga ako mako-contact ng isang linggo but as your bestfriend, I made a promise to myself to spend time with you before I leave. Kaso bakit ganyan, 10 am na nakahiga ka pa? Aren't you supposed to be dressing up by now?"


"Cancel the party, Tiff. Wala akong gana." Tinakpan ko ulit ang mukha ko ng kumot ngunit bigla niya iyong inalis pati na ang unan na yakap yakap ko.

"Get your lazy ass off the bed! KJ mo!"

"And you're being annoying," pagrereklamo ko. Pinanliitan niya 'ko ng mata ngunit nagtaka siya nang hindi ako tumawa.


"What happened? Bakit ganyan ka?" I just looked at her and she frowned. "Si Zin ba? What did he do this time?"


Just the mention of his name pains me.

"Where is he?" pangungulit ni Tiffany.

Umupo ako at huminga ng malalim. "I don't know. Maybe he's with Audrey right now"

"That asswipe!" galit na sabi ni Tiff. "Hindi ba siya aware sa mga sinabi ni Audrey nung pumunta tayo sa condo nung bruhildang 'yon? If he already knows, then why will he still be friends with that snake?"


I sighed. "Pinagbintangan niya pa nga tayo. Apparently sinaktan ni Audrey ang sarili niya para palabasing binugbog natin siya. She got bruises on her body and there are broken furnitures too. Of course, Zin will believe her."


Kung pwede lang umusuok ang ilong ni Tiffany, siguro nangyari na iyon. I could see how angry she is right now. "I knew it! That girl is up to no good! Halika, puntahan natin si Zin. We need to talk to him. Kailangan nating linawin ang mga pangalan natin sa kanya. Hindi ako papayag na pagisipan niya tayo ng masama, especially you!"

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon