Chapter 17 - Date

5K 272 140
                                    

CHAPTER 17

DATE


Inilapit ni Zin ang mukha niya sakin at pinagmasdan ako maigi.

"Nilalagnat ka ba?" Hinawakan niya pa ang noo ko upang ma-check ang temperature ko.

Hinawi ko ang kamay niya at sumimangot. "I'm serious so don't make me ask again."

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Tumayo siya ng maayos at umiling. "You're definitely sick. Halika, samahan kita sa clinic---"

"Just answer my damn question, will you?" iritableng tanong ko. "May ka-date ka na ba o wala?"

"Wala," sagot niya habang tinititigan ang mga mata ko.

"Good. Then you're my date," pagdedesisyon ko.


He crossed his arms and smiled a little. "At bakit mo naman ako gustong maka-date? 'Di ba nga ang gusto mo tantanan na kita? That's what you said earlier at lunch."

"Oo at hindi ko binabawi ang mga sinabi ko but the situation's changed and I need your help."

"Sigurado ka bang wala kang sakit kasi sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan natin, ngayon lang nangyari na ikaw mismo ang lumapit sa'kin para humingi ng tulong."

"You know what? You're pissing me off. This is wrong! Mali na pinuntahan kita dito. Pretend that this never happened, okay? Bye!"


Nagmadali akong maglakad palayo kaso bigla niya kong hinarangan. "Did your friends dare you to ask me out?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "No! I'm doing this to save myself but clearly, I made a mistake!"


Nilagpasan ko na siya at halos tumakbo na 'ko pababa ng hagdanan. I'm so embarrassed right now!!! Ramdam ko ang pagpula ng mga pisngi ko sa sobrang kahihiyan! I have never in my life thought that this day would come.


"Caylee!" I heard him shout but I'm determined to be as far away from him as possible. Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa nakarating na 'ko sa parking lot.

SH*T! I FORGOT! Wala nga pala akong dalang kotse ngayon at hindi ko pa natatawagan ang driver ko.


Agad kong kinuha ang phone ko mula sa bag ko nang bigla na lang may kumuha non.

"Will you chill for a moment?"

"Give me back my phone, Zin."

"Listen to me first."


I sighed and looked away. Mygosh! Nahihiya na talaga ako sa kanya! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinunod ko ang suggestion nila Tiffany. I should have made up something else.


"Nabigla lang ako, Caylee. Hindi ako nangaasar. I'm really confused by your actions right now. Why do you want me to be your date all of a sudden? Ilang taon na tayong dumadalo sa auction night and we both know that having a date is not a requirement for that event."


Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama bang ituloy ko pa ang paghingi ng favor sa kanya or kung mas okay bang mag-backout na lang ako.

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon