Chapter 24 - Troubled

4.9K 264 145
                                    

CHAPTER 24

TROUBLED


I skipped my on-the-job training to stay with Aaron. Kailangan ko 'to dahil napakadami kong tanong.


Sa isang iglap, nagbago ang tingin ko sa ex ko. Lahat ng galit na naramdaman ko, nawala na parang bula. Naikwento niya 'yung takot na naranasan niya habang iniisip na mamamatay na siya. Na-depressed talaga siya lalo na at napakabata niya pa upang magka-cancer. All those months that I've been cursing him, he was fighting to make himself healthy again.


"You know what kept me going? You..." He shared. "Gusto kong gumaling agad para makabalik sa'yo."

I looked at my hands and sniffed. Hindi pa rin ako natigil sa pagiyak. Halos hindi ko pa nga nagagalaw ang pagkain ko. "I'm sorry Aaron---"

"Hey, it wasn't your fault. Wala kang alam." Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang kamay niya.

"Pero hindi dapat ako bumitaw agad-agad. Hindi dapat ako naniwalang magagawa mo 'kong lokohin. I should have been there for you."

Ngumiti siya ngunit ngiting malungkot. "Normal lang na magalit ka dahil sa ginawa ko. Ako ang may pagkukulang sa ating dalawa. I shouldn't have lied."


Hinawakan ko ang kamay niya at pumikit. For some reason, I felt relieved that he didn't really cheat on me. Lahat ng insecurities na na-feel ko noon, naialis ko na sa wakas.


"Maaayos pa naman natin, di'ba?" tanong niya. I opened my eyes and stared at him. Binitawan ko ang kamay niya at hindi umimik. "Give me a chance to fix this, Caylee. Please."

Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin.


Oo, napatawad ko na siya sa pagkakamali niya pero hindi naman yata gano'ng kadali para bumalik na lang kami sa dati. Kahit na hindi niya 'ko niloko, naglihim pa rin siya.

"Maybe we should take things slowly. Sobra sobra na ang mga nalaman ko ngayon, Aaron."

Tumango siya at hinawakan ang mga kamay ko. He kissed both my hands. "Okay, I get it. I'll give you time to think about it. Pero sana maalala mo kung gaano kita kamahal. Hinding hindi na kita sasaktan uli, Caylee. I promise."


Love's not the question here. I have always loved him and that will never change. Kapag naman nagmahal ka, kahit na sinaktan ka niya ay habang buhay mo pa rin siyang mamahalin dahil naging parte na siya ng pagkatao mo. But there are more factors I should consider before giving him my answer.


"Senyor's birthday is just around the corner. I'm hoping you could be my date..." His eyes are pleading.

I thought about it for a minute. "I don't think that's a good idea. Si Zin 'yung kasama ko nung last event tapos iba na naman ngayon. That would be bad for my reputation tsaka alam ng tao kung ano tayo dati. They'll just bombard us with questions the whole night."


"When will you stop thinking about others and just focus on your happiness?" I was taken aback by his question. "Kapag nagtanong sila, aamin tayo na nagkaayos na tayo. We're going to the party as friends. Kung iniisip mo reputation mo, tingin ko mas mapapaganda pa nga 'to sa'yo dahil makikita nilang kaya mong magpatawad. People will see your good-hearted soul."

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon