Chapter 7 - Fashion Week

6.1K 266 72
                                    

CHAPTER 7

FASHION WEEK


"Caylee bilis!" pagmamadali sa akin ni Tiffany. "Ghad! Wala kasi sa hulog si sir, biglang nag-extend ng klase. Ayan tuloy, namali ako ng kalkulasyon sa oras. We are so going to be late if we don't leave now!"

"Teka nga lang!" I tried my best not to panic as I tried to find my car keys.


"Iwanan mo na lang kaya ang kotse mo dito tapos pakuha mo sa driver niyo mamaya kapag nahanap mo na ang susi? Sumabay ka na sa'kin para makapunta na tayo sa hotel. Aayusan pa tayo girl, anong oras na? We also have to be at the function room hours before the event start. Iche-check pa natin lahat! Huy! Everything has to be perfect!"


Ilang linggo na ang nakalipas mula ng binigyan ako ng task ni Mama na mag-come up ng idea for the Fashion week. Tiff and I became insanely busy because of that. After school, diretso kaagad kami sa Cassy's. Inaabot kami ng gabi and kahit na weekends ay inaasikaso pa rin namin iyon.

Thankfully, nung prinesent namin kila Mama at sa board ang 'Black and White'  theme ay nagustuhan nila at inapproved agad nila. Black and White will never be out of date. Sigurado akong papatok ito sa masa at hindi masasayang ang budget na binigay nila for this project.

It will be the talk of the town.


"I'm sure nandito lang 'yung susi!" I complained.

Tonight's the night we've both been waiting for. Ila-launch ngayong gabi ang mga designs na ginawa namin ni Tiffany at sa amin talaga pinangalan ni Mama 'yon para daw kami ang makakuha ng credit.

Also because of it, parang pasado na rin kami kaagad sa OJT namin. In-invite ko syempre ang professor namin at sobrang saya ni Ma'am na makaka-attend siya ng isang invitation-only event. Even the president and principal of our university will be there.


"Amin na nga, ako na maghahanap!" Inagaw niya na ang bag ko habang nag-check naman ako ng mga text messages sa phone ko. Sabog na sabog na ang inbox ko sa dami ng updates at tanong ng team ko. Hindi kasi sila makaaksyon hangga't walang approval namin ni Tiffany.

My gosh, superwoman na ang tingin ko kay Mama! Nakaka-stress pala ang may sariling Fashion Company. And to think, since highschool ganito na siya. Bilib ako sa kanya!


"Oh, nasa make-up pouch mo naman pala!" Tiffany chuckled. "Let's go. Naomi, una na kami ha!"

"Sure, kitakits na lang mamaya!" Kumaway siya sa amin bago nagtungo sa mga kaibigan niyang cheerleaders na sinundo pa siya.


"Goodluck Caylee & Tiffany!"

"Congratulations!"

"Ang astig niyong dalawa!"

Ngumiti ako sa mga classmates ko at nagpasalamat bago kami tumakbo palabas ni Tiff. I couldn't help but groan when I saw a lot of students at the hallway. Kakatapos lang ng mga klase at Friday pa ngayon kaya excited ang mga ito umuwi.

Gusto kong sumigaw ng "Lahat ng haharang, kawawa sa'kin!" just like what my Mom usually do when she's still a bad bitch at school, but I couldn't. Una, wala akong lakas ng loob manakot ng sangkatutak na mga tao. Pangalawa, I have to keep my good reputation as Elite and as a student. Hirap kaya magpanggap na walang sungay, hays.

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon