Chapter 21 - Distractions

4.9K 244 48
                                    

CHAPTER 21

DISTRACTIONS


It's been a week since I last saw Zin. Talagang iniwasan ko na siya simula nang mag-decide akong ayoko ng maging kaibigan niya.

Tuwing lunch, niyayaya ko sila Tiffany na kumain sa labas. Kung hindi kami pumupunta sa mall ay nagda-dine in kami sa mga mamahaling restaurant. Ang sabi ko na lang sa nanay ko ay sawa na 'ko sa mga pagkain sa school. I had to lie so she can give me food allowance.


And then after our classes, it's either I go straight home or spend an hour at the library. Hindi na ko pumupunta sa The Grove.

"I get that you're offended with what he said but you can't avoid Zin forever," My bestfriend mumbled. "Also, the boys are starting to ask. Gusto nilang malaman kung ano ba talagang nangyari at bakit parang ang lala na ng away niyong dalawa this time. What should I tell them?"


I just stared at my notes and didn't even bother to look at her. Kahit naman sila Ava, Naomi at Iris ay gustong malaman kung bakit ako nagalit ng sobra. Isa lang ang palagi kong sinasabi sa kanila, "I'm fed up with all his bullsh*t in life."

You can call me 'pikon' or sensitive but heck, I've been tolerating that guy for years. Lumalala lang talaga 'yung mga asar niya this year hanggang sa sumobra na siya at napuno na 'ko.


"Don't you think maybe he deserves a second chance?" Tinaasan ko si Tiffany ng kilay kaya agad niyang iniangat ang dalawang kamay niya na para bang inaaresto ko siya. "It's not like I'm on his side. I'm just saying, sayang naman ang friendship niyo. Also, ang awkward pag nagkasama sama ulit tayong lahat at hindi kayo okay na dalawa."


Binaba ko ang notes ko at nagpangalumbaba. "Bakit ko siya bibigyan ng second chance kung 'di naman siya humihingi ng tawad?" Zin didn't even call or leave a message. Hindi talaga siya nag-sorry sa'kin. Kahit na sabihin mong iniiwasan ko siya ay ang daming paraan para malapitan niya pa rin ako.

If he really wanted to apologize to me, he could. Pwede naman niya 'kong hintayin sa labas ng room ko or 'di kaya, puntahan ako sa bahay. He can also wait for me at the parking lot every afternoon but no, wala siyang pakielam.

Sigurado akong balewala sa kanya na nagalit ako. I'm no one for him. Ang tingin niya pa nga sa'kin, easy to get. Tsss.


"Malay mo hindi niya lang alam kung paano ka kakausapin."

I rolled my eyes and picked up my notes again. "I'm studying, Tiff. If you're going to keep on blubbering nonsense stuff, I suggest you just leave me alone."

I heard her sigh. "Fine. Sorry." Umupo na siya sa tabi ko. "Maybe I just miss hanging out at The Grove." Kahit na ako naman ay hindi sanay na dito kami tumatambay sa library pero mas okay na 'to.


"I know what you need!" Naomi said as soon as she, Ava, and Iris showed up.

"Ssshhhh!" pagsita ng isang estudyante dahil napalakas ang boses ni Naomi.

"You sshhh! Epal ka," sigaw ng kaibigan namin kaya natawa kami. She sat in front of me and showed me a picture of a handsome guy. "You, my friend, need to be out there, dating a stranger."

I frowned at her suggestion. "Naomi, alam mo namang hindi ko trip 'yang mga ganyan---"

"Oh come on. It's just one date. Malay mo, he's the one pala."

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon