Chapter 14 - New Rival

5.5K 263 116
                                    

CHAPTER 14

NEW RIVAL


"Ms. Grimshaw?" pagtawag sa akin ng professor ko. All my classmates even looked at me, waiting for me to speak. I stood up confidently. Nag-review ako kagabi sa bahay kaya madami akong alam sa idi-discuss today.

"That would be flat pattern cutting, Ma'am."

She smiled and nodded. "Good job."


Umupo na ulit ako at napangiti ng pumalakpak nang mahina si Tiffany. "Gosh, no wonder you're a dean's lister and our running Summa Cum Laude."

"Nagsalita ang Magna Cum Laude," mahinang pagtawa ko.


Nakinig na ulit kami sa topic hanggang sa matapos ang morning classes. Dumaan muna kami sa locker room upang iwanan ang mga laptop namin doon bago kami dumiretso sa dining hall.

"'Di ba day off naman natin sa OJT? I'm thinking maybe we should go shopping later."

Umiling ako habang inilulugay ang buhok ko. "I can't. Day off ni Dad and he promised me he'll spend the afternoon with me."

"Really? That's great! Anong gagawin niyo?"

"Golf," simpleng sagot ko. That's his hobby.


"I wish I could do that with my Dad. He's so busy and always out of the country..." malungkot na sabi niya.

Yeah, I'm lucky with my parents. Atleast kahit na palagi silang tutok sa trabaho ay ginagawan nila ng paraan upang makasama ako. Tiffany barely sees her parents. Madalas nga ay sa amin siya nag-spend ng pasko dahil wala siyang kasama sa bahay nila on Christmas Eve.


"Do it with your Mom na lang," I said, trying to lift her mood up.

"She hates playing golf," pagtawa niya. "And she's always busy too." Ngumiti na lang ako at kumuha na ng tray. I don't know what else to say...

"Mauna na 'ko. I want to see the menu for today," sambit niya pagkatapos ay siningitan niya ako. I just rolled my eyes and allowed her to do what she wants.


Habang nakapila ay napansin ko ang ingay ng mga tao. At first I thought they were looking at me. Maiinis sana ako kasi nagbubulungan sila pero na-realize kong hindi ako ang tinitignan nila but the girl behind me.


"I think she's new."

"Oo nga bago 'yan. Ngayon ko lang nakita."

"Damn she's pretty."

"Must be a model."


Pa-simple akong sumulyap sa babaeng nasa likuran ko. Kaso hindi ko napigilang manlaki ang mga mata. THAT'S THE GIRL I SAW AT THE STARBUCKS A FEW WEEKS AGO! 'Yung maarteng nagiiskandalo!


Umayos ako ng tayo bago pa man din niya ako makita.

So I'm right, she's rich. If she's not, she won't be here at LCU today. Wow, what a small world.


"Oy pabili naman ako." Paglapit sa akin ni Zin sabay inakbayan ako.

"Buy your own," pagrereklamo ko sabay tulak sa kanya.

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon