Chapter 27 - Truth

5.2K 262 155
                                    

CHAPTER 27

TRUTH


"It's perfect!" pag-ngiti ni Ava.

"Love the packaging!" Naomi added while taking a picture of the Eye-lee.

"Ang ganda ng mga shade!" Iris even clapped her hands.

"Congrats Caylee! Kapag na-out na ito sa public, for sure madaming bibili." Tiffany hugged me.

The past few days have been so stressful for me. Bukod sa exam week ay ang dami ko ding inasikaso for my company. For now, may isang floor pa lang na pinapagamit sa akin ang Mother ko sa Cassy's but she told me once Eye-lee becomes successful, she's going to allow me to buy my own building. Sobrang nakaka-excite kaya pinagtuunan ko talaga ng pansin ang proyektong ito.

I'm lucky to have a professional team who are as perfectionist as I am. Magagaling silang lahat at karamihan sa kanila ay nakapagtrabaho na sa ilang cosmetics company around the world kaya sanay na sila sa trabaho nila. We already have all the legal documents we need.

I'm actually shocked that after only two weeks ay for product-testing na kami kaagad. A few more tests and I might be able to announce Caylee Beauty sooner than expected.


"Oy ano 'yan?" Pagdating nila Keil dito sa The Grove. Agad silang lumapit at tiningnan ang mga dala kong samples.

"Whoah, seller ka na?" Asher asked.

I groaned and threw the empty box to him. "Leche ka!"

Tatawa tawa niyang sinalo iyon. "Nagtatanong lang e, sungit."


"You're starting your own company? Astig!" Rios said.

"Yep. Mom's investing for it kasi nakita ng board ang potential ko dahil sa Black & White event na in-organize namin ni Tiffany noon," masayang pag-share ko.

"Sana all proud ang parents..." pagtawa ni Evan.


"Kailan release?" tanong ni Theo.

"Maybe next month or in a few months. 'Di pa sure e kasi madami pang process na dapat gawin."

"Sana pagkain na lang, aanhin namin 'yan," biro ni Asher.

"'Di naman kasi para sa'yo 'to, epal ka." They all laughed at that. Binaba na rin ng mga boys sa table ang Eye-lee samples habang nag-try naman ang mga girls. I love seeing them use it because they helped me complete the eyeshadow palette.


Habang busy ang lahat ay napansin kong wala si Zin. Ngayon ko na lang uli sila nakasama kaya nagtataka akong wala siya dito. Palagi ba siyang wala? O dahil sa narinig niyang pupunta ako ngayon kaya sinadya niyang wag tumambay dito?

I rarely see Zin. Tuwing umaga, hindi ko siya nakikita dumating. Either mas maaga siya napasok or hindi lang talaga kami nagkakasalubungan. Alam kong pumapasok siya dahil minsan ay napapansin ko ang kotse niya sa parking lot.

Every lunch naman ay wala siya. I don't ask my friends and none of the girls seem to notice it besides me. Ewan ko kung anong meron pero maski sila Kiel na ka-close niya ay hindi naman nagkukwento.

I'm curious if he's doing it in purpose because of what happened at Senyor's birthday. Ganoon ako noon nung nagalit ako sa kanya, umiwas ako. Is he doing the same thing now?

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon