Chapter 5 - First

6.9K 282 64
                                    

CHAPTER 5

FIRST


"Okay Saffron, take some rest." I hopped down from my horse and kissed his face lightly. I knew he loves it because he swung his tail freely. He does that when he's happy.

Napangiti na lang ako at itinali na ang rope sa puno upang hindi siya makaalis kung sakali mang maisipan niyang tumakbo palayo. Then I sat beside the tree and closed my eyes. Nakaka-relax talaga ang simoy ng hangin dito sa farm ng lolo ko.


"Umamin ka nga sa'kin, sino 'yang babaeng 'yan?! Bakit magkahawak ang mga kamay niyo?"

"She's my new girlfriend."

"ANO?"

"I'm sorry but we're done, Caylee. Ayoko na sa'yo."


Napamulat ako ng bigla kong maalala ang break up namin ni Aaron.

A year ago, he cheated on me. Nahuli ko siyang may ka-date na ibang babae sa mismong araw pa ng 1st anniversary namin. Hindi kami nagaaway noon kaya laking-gulat ko ng may mag-text sa'kin anonymously na nasa isang mall daw si Aaron kasama ang isa sa mga schoolmates ko.


Of course, at first I doubted it. I hesitated to accept the fact that my boyfriend could cheat on me. Malaki kasi ang tiwala ko kay Aaron. Legal na kaming dalawa on both sides. My parents like him a lot dahil magalang ito at mabait. He's also sweet. Palagi siyang nagpo-post online kung gaano niya 'ko kamahal at kung gaano siya kaswerteng sinagot ko siya.


But my guts told me to check if the message is indeed true. And it was.

Pagdating ko sa restaurant na kinakainan nila, huling huli ng mga mata kong magka-date nga sila. May flowers pa at chocolates na dapat ay sa akin niya binigay.

I confronted him. Tahimik ko siyang pinalabas ng resto dahil ayokong gumawa ng eksena. I'm not the kind of girl who would make a scene in public. Kilala kasi ako ng mga tao at ayokong malaman pa ng lahat ang mga problema ko.


Paglabas namin, tinry ko pang maging open-minded, na baka nami-misinterpet ko lang lahat at naga-assume lang ako sa mga nakita ko. I even forced myself to think that he's just being nice to her. Or maybe it's a dare made by his friends. But he told me the truth. Hinawakan niya ang kamay nung babae at inamin sa aking sila na nga.

Hiwalay na pala kami, wala pa 'kong kaalam-alam. Akala ko busy lang siya sa studies kaya hindi na siya masyadong nakakasagot ng mga tawag at text ko pero way niya na pala 'yon para sabihin sa'king, ayaw niya na sa relasyon namin.


Imbis na sampalin at murahin siya ay nagwalk-out lang ako ng gabing iyon. Hindi ko nagawang ilabas lahat ng galit ko sa kanya. Tinuruan kasi akong maging reserved ng family ko. That's how most of the Elites handle pain. We couldn't just show our emotions to anyone because they could use it against us, so we have to be careful at all times.

Kaya kahit heartbroken ako noon ay hindi ko pinakita sa kanya. I cried on my own, grieved on my own.


After that night, we became the talk of the town. Ang bilis kumalat ng balita sa buong Larkyn Camber University. May kanya-kanyang opinion ang mga tao. Ang daming usap-usapan na baka kaya daw ako pinalitan ay dahil boring ako bilang isang girlfriend. May mga tsismis pa ngang pinilit ko lang naman daw ang sarili ko kay Aaron.

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon