CHAPTER 38
THE ROYALTIES
Tinotoo ni Zin ang pangako niyang patutunayan niya ang sarili niya sa akin. Kahit na alam niyang ayaw pa akong paligawan ulit ni Papa ay gumagawa siya ng paraan upang magkasama kami.
Buong linggo ay palihim kaming lumalabas, either lunch out or dinner together. Nakakatakot but at the same time, sobrang saya ko lang na pinapakita niya talagang gusto niya rin ako.
Feeling ko nga nakakahalata na ang barkada. They would tease us especially Rios and Kiel, madalas nagpaparinig sila. Mabuti na lang ay 'di talaga sila nagtatanong ng diretsahan. That would be so awkward for me and Zin.
Ang nakakaalam lang talaga ng sitwasyon namin ay si Tiffany. Syempre, sa kanya kasi ako nago-open up tuwing kilig na kilig ako at 'di ko mapigilang 'di magkwento.
Evan may have a hint but it's not like I admitted anything on Zoe's birthday.
"Day off mo sa Cassy's today 'di ba? Any plans?" Tiff asked me while we're both gathering our things from the table. Nagkalat kasi ang mga ballpen, pencil, eraser at mga papel sa lamesa. Kakatapos lang ng last subject namin at madalas ay tamad talaga kaming magligpit agad ni Tiff. Minsan nga ay inaabot kami ng ilang minuto bago kami makalabas ng classroom.
"I'm not sure. 'Di naman nagte-text si Zin." Hindi siya umimik kaya natigilan ako sa paglagay ng laptop sa bag ko. I looked up to her and saw that she's smiling while her eyes are at somewhere. Sinundan ko ang tingin niya at nagulat nang makita ko si Zin sa may pintuan. He's standing there with his head down, a bit shy with all the students staring at him.
"Sinusundo ka na girl," pagtawa ng bestfriend ko.
Agad namula ang pisngi ko. "Uhmmm---"
"It's okay. Mauna ka na. Sabay na lang kami nito ni Naomi na pupunta sa The Grove. Have fun!" She smiled and continued fixing her things.
Napangiti na lang ako at nagmadali na ayusin ang mga gamit ko.
Tiffany's against my decision at first. Nainis siya na nagbago kaagad ang isip ko pagkatapos akong kausapin ni Zin. For her, hindi sapat na rason na may sakit ang nanay ni Audrey para paghintayin ako ng dalawang oras nung Sabado.
But after a few days and she had seen how Zin's really been doing his best to make it up to me, she finally gave up and accepted the fact that I like the guy so much to the point that I immediately forgave him. Naging masaya na lang din siya para sa akin.
"Bye!" I told Tiff, hugging her before saying goodbye to Naomi too. Tahimik itong ngumiti lang at bumalik sa pakikipag-text.Bigla ko tuloy naisip 'yung lalakeng kahalikan niya sa Agua Valencia. Maybe she's talking to the same guy again. Or I don't know, baka may manliligaw na naman siya. She's so busy when she's into someone. Hindi aligaga o maingay ang isang ito kapag nai-inlove.
"Hi," bati ko kay Zin paglapit ko sa kanya. He looked up and smiled. Agad niyang kinuha ang bag ko at binitbit iyon. Napatingin ako at nagtaka.
"Why are you carrying my bag?"
"Para 'di ka mahirapan. Ang bigat bigat nito oh." He held my hand and pulled me closer to him. "Are you going to leave this at your locker?"
"Y-yeah." Tumango lang siya at naglakad na. I was stunned with his bold move. Ang dami pang mga estudyante ngunit hindi siya nahihiyang ipakita sa lahat na sinundo niya ako dito at ngayo'y magka-holding hands pa kami.
BINABASA MO ANG
World of the Elites (Elite Girls 1)
RomantizmMATURED CONTENT (R-18) Growing up, all Caylee ever wanted is to win the Annual Elite Game, a competition among the young ultra-wealthy elites in the Philippines but she starts losing focus when her number one rival, Zin, begins to flirt with her. Wh...