Chapter 36 - Surprise

5.2K 243 125
                                    

CHAPTER 36

SURPRISE


I decided to wear a floral dress instead of my usual, jeans and shirt. Nahirapan nga ako magayos lalo na't hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin ni Zin. I didn't want to look too simple or too lavish. Atleast itong puffed sleeve green dress ko, bagay sa kahit na anong okasyon.

I kept asking him for hints but he just laughed at me. Ayaw niya talagang ipaalam sa akin kung saan kami pupunta ngayon.

"Another date? Sana naman magkalinawan na kayo this time," asar sa akin ni Tiffany.

I smiled. Iyon din naman ang gusto ko. If this date ends well, I might get a chance to ask him directly about his feelings for me.


"Tiff, thanks for tolerating me. Kung 'di ka pumayag na maging alibi ko sa Dad ko, malamang hindi ko makakasama si Zin ngayong araw. Sana lang talaga hindi ako pinapasundan ng tatay ko," biro ko.

"You watch too much Kdrama, girl. Your father maybe strict but I don't think he'll do such thing. Nakakatawa lang na kung kailan nasa legal age ka na, tsaka naman mas lalong naging mahigpit sa'yo ang tatay mo."

"Oo nga e. Kailangan ko pa tuloy magsinungaling."

"I'm just glad you didn't ask me to join cause I hate being the thirdwheel," pag-ngisi niya sabay kuha ng remote upang maghanap ng palabas sa Netflix. I just stayed there at the couch, waiting for Zin's text message. Ang sabi niya kanina ay paalis na siya ng bahay nila.


"Ang tagal naman no'n..." I muttered after a few minutes. Gusto kong tumawag pero ayoko namang maistorbo siya sa pagda-drive. Baka mamaya maaksidente pa siya dahil sa'kin.

"Sh*t..." I heard Tiff mumbled. Akala ko dahil sa pinapanuod niya kaya siya nag-react ng gano'n but when I glanced at her, she's looking down at her phone.

"What is it?" tanong ko. Bigla niya iniwas ang phone niya at tinago sa ilalim ng unan kaya nagulat ako.

"Ano 'yan?" I demanded.

"I think it's better for you not to see this. Hintayin mo na lang muna si Zin."

Sa pagka-curious ko ay kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang social media accounts ko. Tiffany immediately grabbed my phone which shocked me.

"What the hell are you doing?"

"Saving you from hurting?" Tila ba hindi siya sigurado sa sinabi niya.

"Give me back my phone!" pagbabanta ko.

"Uhmmm...Can you just chill? Please?"

I spotted her phone lying beside her. Nabitawan niya iyon nang hablutin niya ang akin. I immediately grabbed hers and ran towards the bathroom. Hinabol niya 'ko pero na-lock ko na ang pintuan.

"Caylee! Ang tigas ng ulo mo! Don't look at it!" Hindi ko siya pinansin. Agad kong tinignan kung ano 'yung sinasabi niya. Wait...Ano 'to?


Someone posted a few pictures of Zin and Audrey. May isang pinagbubuksan niya ito ng pintuan ng kotse na para bang sinundo niya ito.

The other photo bothered me more. They're hugging each other. Ang higpit ng yakap nila na akala mo'y ilang buwan na silang hindi nagkita. According to the caption, they're outside Audrey's condominium unit.

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon