CHAPTER 16
NO CHOICE
Isa pa. Isa pa talaga, tatarayan ko na 'to.
"Laptrip nga tol!" I heard Evan said, making my friends laugh loudly.
As expected, Zin's eyes are still on mine. May hindi niya man lang tinignan kung ano ang pinagtatawanan ng mga kaibigan namin. He's so busy staring at me like a fool that he is.
I dropped my spoon and fork so that I can cross my arms. "Ano bang problema mo at kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan habang tinititigan mo 'ko?" iritableng tanong ko kay Zin.
Natahimik ang lahat dahil medyo napalakas ang boses ko. Naiinis na kasi ako sa kalokohan ni Zin! Halatang pinagti-trip-an niya 'ko! Hindi ako makakain ng maayos dahil naiilang ako sa ginagawa niya.
He smirked but didn't take his eyes off me. "Sabi mo crush kita kaya ito, kumukuha lang ako inspirasyon."
Napahalakhak sila Kiel sa sagot ni Zin sa akin.
Rios: "G*go talaga hahaha!"
Theo: "Ayan na naman silang dalawa."
Evan: "Tol, pag nasampal ka ni Caylee, labas kami diyan ha."
Kiel: "Yeah bro, we won't help you."
Asher: "Itsura pa naman ni Caylee halatang buwiset na buwiset na sa'yo hahaha."
I frowned at them but decided not to speak anymore. Kapag nakipagtalo pa 'ko kay Zin, malamang magkakatotoo ang mga sinabi nila Evan.
Nagkwento na ulit sila Theo kaya doon na natuon ang pansin ng lahat. Tiningnan ko na lang ng masama si Zin bago ko pinagpatuloy ang pagkain ng lunch ko.
"Bakit mo pinost picture natin?" mahinang tanong ni Zin.
"Bakit ba big deal masyado sa'yo? Ano, kinikilig ka?"
"Medyo." Pag-ngisi niya. "Pero bakit nga? Kala ko wala kang plano i-post 'yon?"
I sighed. "I did it to get back on your ex-girlfriend."
He raised an eyebrow. "Si Audrey?"
"Bakit Zin? May iba ka pa bang epal na ex?"
He pursed his lips. "Sabi mo ginawa mo lang 'yon para gumanti. Bakit? Ano bang nangyari?"
Inubos ko muna ang food ko at uminom ng tubig bago ako nag-explain.
"'Di ba nag-bake kami nito nila Tiffany nung sabado? Pagka-post ko ng cupcakes na ginawa namin, bigla siyang nag-upload ng binake na cake niya. Clearly she did it on purpose. Gusto niyang ipakita sa lahat na mas magaling siya."
Zin frowned. "Baka coincidence lang."
"No! How will you explain the pictures then? Pag-post ko ng picture nating dalawa, after a few minutes kumalat na online lahat ng pictures niyo noon. Sobra sobra naman yatang coincidence 'yon."
Umiling siya. "Madami siyang fans at trending din siya nung sabado. Baka naman may mga nakapag-stalk kasi ng profile namin----"
"If you don't want to believe me, fine. But I'm telling you, she wants the spotlight all to herself." I looked at Audrey, who is currently sitting a few tables away from us. She's smiling as if there are cameras everywhere. "Too bad I'm here to stop her."
BINABASA MO ANG
World of the Elites (Elite Girls 1)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) Growing up, all Caylee ever wanted is to win the Annual Elite Game, a competition among the young ultra-wealthy elites in the Philippines but she starts losing focus when her number one rival, Zin, begins to flirt with her. Wh...