Chapter 48 - Selfless

5K 229 242
                                    

CHAPTER 48

SELFLESS


"Samahan niyo naman ako please," pagyayaya ko sa mga kaibigan ko. "I really want to check this new shop downtown."

"Sorry girl pero malapit na 'yung pasahan ng thesis namin. I have to focus on that one," Ava said before looking back to her laptop.


I pouted. "Naomi?"

"Love kita but I can't. I have cheering practice later. Dapat sinabi mo kahapon na gagala pa rin tayo para nakapag-request ako to skip it."


I frowned. "Tiffany? Oy bestfriend mo 'ko. Bilis na!"

"Bakit kaya 'di 'yong jowa mo gambalain mo? Oh wait, nando'n pa rin nga pala sa ex niya."

Sumimangot ako at niyakap ang unan dito sa sofa sa The Grove. Sana nga pwede kong mayaya si Zin kaso simula nung namatay ang nanay ni Audrey ay halos 'di na kami nagkakasama.


"Teka, nagjo-joke lang ako. Wag mong sabihing nando'n pa rin talaga siya?"

"Sa umaga, napasok siya sa school then after that he goes straight to work. Pagdating ng gabi ay pumupunta pa siya doon sa burol ng Tita niya. Madaling araw na siya nakakauwi sa kanila kaya nga pina-absent ko na siya para makabawi siya ng tulog. He barely sleeps."


"And that's fine with you?" gulat na tanong niya. "Okay ka lang, Caylee?"

"Bakit ka pumapayag?" Naomi asked.

"He spends all his free time with Audrey, instead of you? What the heck?" dagdag pa ni Ava.

"Martyr lang." Napailing pa si Iris.


"Wala naman akong choice, okay? I can't forbid him to go there. Sariling pamilya niya nga hindi siya pinagbabawalan, ako pa ba? Besides, he's not there to cheat. Nando'n siya para makiramay. I'm sure sa sabado pag nalibing na ang Mama ni Audrey ay babalik na siya sa dati."


"Siguro nga hindi siya nagchi-cheat pero paano ka nakakasiguradong hindi siya inaahas nung epal niyang ex?" tanong ni Tiffany sa akin.

I stared at her for a moment. "Ano ka ba naman, namatayan silang dalawa. This isn't the time for them to rekindle their relationship."


"Ayun na nga e. Namatayan silang dalawa meaning they're both hurt and fragile. Usually, 'yung mga taong parehas ng nararamdaman ang nagkakaintindihan. Hindi naman sa pagiging praning pero ang akin lang, wag kang masyadong pakampante."


"Totoo Caylee. 'Yung mga kinwento mo sa'min na nangyari sa hospital, halatang ginagamit niya ang sitwasyon para mapalapit uli lalo kay Zin. Audrey wants your boyfriend back so don't just sit there and do nothing," Ava added.


I shook my head. "Pwede ba, wag niyo kong demonyohin. Sobrang hirap na nga para sa'kin na maging understanding girlfriend tapos lalagyan niyo pa ang utak ko ng kung ano-anong theory niyo. I trust Zin, okay? I know he loves me. Hindi 'yon pumupunta do'n para makipaglandian. Naaawa na nga 'ko sa kanya kasi pagod na pagod na 'yon for sure."

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon