Chapter 44 - Surreal

5K 266 145
                                    

CHAPTER 44

SURREAL


Zin hissed loudly before shaking his head. "Ibang klase," I heard him say in a low voice.

"O bakit? Mali ba 'ko? You still love Audrey."


Sumandal siya sa lamesa niya at tiningnan ako. 'Yung klase ng tingin na para bang ayaw niya na kong makita. Sobrang layo sa nakasanayan ko. "Wag mong binabalik sa'kin kung bakit tayo tumungtong sa ganito."


I've never been so angry my whole life. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit at sa taong mahal ko pa. It frustrates me that Zin's acting as if this is all my fault.

"So sinong may kasalanan? Ako? Tell me, am I the reason why we're fighting right now?" paghahamon ko.

"Akala ko ba tapos na kayo ni Aaron?" I could hear anger in his voice too.

"Oo nga! Alam mo 'yan!"


"Bakit kung umasta kayong dalawa, parang may feelings pa kayo sa isa't-isa? Kung wala na kayo, bakit mo siya hinayaang halikan ka sa pisngi? Ano ba talagang totoo? Kasi kung gusto mo pa talaga siya, maiintindihan ko naman. You don't have to confuse me or play me. Pero sana alam mo 'yang pinapasok mo, Caylee. Aaron lied to you about his sickness. Talagang nambabae siya noon."


It's a good thing that he's a few feet away from me. Baka nasampal ko na siya ngayon kung nakatayo lang siya dito sa harapan ko. This is unbelievable. He's acting like a child!


"Ang immature mo!" I couldn't help but blurt out. "Gagawan mo pa talaga siya ng storya and for what? You know I'm already avoiding him! Kung mahal ko 'yon, 'di sana wala ako dito! Sana nagpapakasaya ako kasama siya! I'm not gonna waste my time and emotions on you if I'm still into him!"


"Avoiding? 'Di ba nga siya 'yung ka-date mo nung nilayuan mo 'ko? Tingin mo 'di ko kayo nakita sa loob ng kotse niya? You were so happy with him! Tapos babaliktarin mo pa sitwasyon at ako ang sisisihin mo? F*cking hell!"


"That was a one time thing! Sumabay lang ako sa kanya dahil ayaw umandar ng kotse ko but I never went out on a date with him again!" I shouted.

"And you expect me to believe that? Sobrang tanga ko na ba sa paningin mo?"

I wanted to cry again because this is too much. Why am I defending myself when he should be the one giving me explanations right now? Ang unfair!


"I only said I'm meeting someone that day because I wanted to challenge you. Gusto kong makita kung anong gagawin mo in case sabihin ko sa'yong may kinatatagpo ako."

Umiwas ako ng tingin kasi babagsak na naman ang luha sa mga mata ko. Today was supposed to be one of my happiest days for I have finally announced to the world that I will be a CEO of my own company. But being here with Zin? Saying all these things to him? Punyeta, nakakapagod na.


"Ako ba, nagrereklamo ba 'ko tuwing inuuna mo si Audrey kaysa sa'kin?" matapang na tanong ko sabay titig sa mga mata niya. Kung makapagsalita siya parang sobrang laki ng kasalanang ginawa ko e sa aming dalawa, siya 'tong hindi marunong maglagay ng wall between him and his ex.

World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon