Chapter 9 - Bind

6K 295 79
                                    

CHAPTER 9

BIND


"Sige na Ma! Please! I swear I'll be a good ate!" I begged my Mama, making both my parents laugh.

"Makahingi naman 'to ng kapatid, akala mo ganun kadali gumawa ng bata." Napahawak pa sa noo niya si Mama.

Yes, I'm pleading for them to make a baby. I just want a sibling so badly! Ang dami kasing baby videos sa internet, naiingit ako.


"Pagbigyan na kaya natin?" My father joked around, kaya hinampas siya ni Mama sa balikat.

"Heh! Tumigil ka! Matanda na 'ko."

I pouted. "No, you're not! You can still do it. Tsaka Ma, ikaw nga may kapatid and ganun din si Papa! Why do I have to be an only child?"

My father couldn't stop laughing. "May point ang prinsesa natin."

"Of course! Sige na please?" Nag-puppy eyes pa 'ko baka sakaling tumalab. I even wrapped my arms on My mom's waist.

"Ay nako, may kailangan ka ba at ganyan ka?"

I smiled. "Opo meron. Baby sister or baby brother?"


And again, my father burst out laughing.

"Alam mo, ito kailangan mo." Sabay halughog ni Mama sa bag niya. Then she gave me a black credit card.

My eyes widened. Ito ang no-limit credit card niya na once in a blue moon niya lang pinapahiram sa akin. Kahit isang isla pa bilhin ko gamit nito, pwede since hindi iche-check ang identity ng owner.

Minsan ko ng nawala ito at napagalitan ako ng bonggang-bongga dahil nakabili ng laptop 'yung nagnakaw pero nakulong din naman dahil may CCTV footage ng pagkuha no'n sa bag ko. I think I was just 14 years old that time.


"Why are you giving me this po?" I asked, completely confused. Ano 'to, tinatakwil na 'ko ni Mama?

"Buy anything you want, mag-shopping ka kesa kinukulit mo kami." Napapailing na sabi ni Mama habang pilit pinapatigil si Daddy sa pagtawa. Sumimangot ako pero tinanggap ko pa rin ang suhol sa akin.

"Sus, you guys just wanted to be alone. Yieee pagbibigyan na 'ko sa wish ko hehehe," biro ko bago ko kinuha ang phone at car keys ko sa table. I waved goodbye to them before I left the house.


Sige na nga, mamimili na lang ako tutal boring na rin naman sa bahay. Aalis na rin sila Mama dahil sasamahan niya si Daddy sa isang business meeting.

Bago ko paandarin ang kotse ko ay nag-leave ako ng message sa mga girl-friends ko. Excited naman silang nag-reply kaagad.


A week had passed since the Elites' Picnic. Napapadalas ang paglapit sa akin ni Aaron tuwing lunch ngunit hindi naman niya ako makausap dahil to the rescue ang mga kaibigan ko. It's either they will pull me somewhere else or they'll make an excuse for us to leave the dining hall. It's stressful to see him every day on campus but I'm glad he couldn't reach out to me. Block siya sa lahat ng social media accounts ko at matagal na akong nagpalit ng number kaya hindi niya na 'ko ma-text or matawagan pa.

I don't know what he's really up to but I wish he'll get tired soon. Sana ma-realize niyang wala talaga akong balak kausapin o patawarin siya.


World of the Elites (Elite Girls 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon