Tyron
I couldn't stop drumming my fingers on the table. I was being a little rude, alam ko pero di ko mapigilan.
'I miss him'
"So this is the layout plan of our next store," pagpapatuloy ng isang miyembro ng planning team ng kompanya sa paglalahad ng feasibility report nito. Di ko napigilang mapahigit ng hangin nang malamang nasa huling stage na ito ng report. Pasimple kong sinipat ang aking relo alas sais na ng gabi. Kung susuwertuhin ako at walang masyadong traffic makakauwi ako sa loob ng eksaktong beinte minutos.
Tinuon ko muli ang aking buong atensyon sa presentation at matamang in-absorb ang lahat ng sinasabi nito. Every now and then, I pointed out the flaws I saw in the plan. Nang sa wakas ay ma-finalize na namin ang plan at makontento na kaming lahat dito hindi ko mapigilan ang pagngiti nang malapad.
'I was going home at last!
Mula nang magkaaminan kami ng nararamdaman ni Renee ay ngayon lang ulit ako nag-overtime para kasing hindi na ako sanay. Mabilis kong inayos ang gamit ko at tumayo ng upuan at nagpaalam na ako sa mga empleyado at humahangos papuntang elevator.
Minasahe ko ang likod ng aking leeg pagpasok sa elevator. I was seriously getting a stiff neck taking a nap on my hard desk. Habit ko na kasi ang magpower nap ng thirty minutes matapos ang maglunch mas nakakapag-isip kasi ako nang tama kapag nakakapagpahinga nang kaunti sa gitna ng araw. Kahit hindi makakain basta makatulog lang nang kaunti ay mas okay na sa akin.
Ginawa ko ring rule iyon sa mga empleyado ko nagpagawa ako ng kuwarto para talaga sa mga ito para makapagpahinga nang kaunti, complete with some pillows and couches. Ang ironic lang na ako ang nagpatupad noon pero wala akong sariling unan sa office ko. Ilang beses ko na ring sinabi sa sarili ko na bibili ako pero lagi ko namang nakakalimutan.
Napukaw aking pag-iisip nang bigla namang tumunog ang cellphone ko at nang makita ang caller ay napakunot-noo naman ako saka sinagot ang tawag.
"Hello po tita Divina,"
"T-Tyron... h-hijo,"
"Bakit po kayo napatawag?"
"A-ayoko pa sana pang abalahin ka pa hijo dahil alam kong may asawa ka na. K-Kaya l-lang kasi si D-Diana t-tinangka niyang... m-magpakamatay n-naglaslas siya ng pulso." rinig ko naman ang pahikbi nito sa kabilang linya.
Nagulat ako sa ibinalitang iyon sa alin ni tita Divina hindi ko akalain na magagawa ni Diana ang kitlin ang sarili nitong buhay. Wala naman kasi sa personality nito na magagawa ang ganoong bagay.
"A-Ano na pong lagay niya ngayon, tita?" may pag-aalalang saad ko kahit naman hiwalay na kami ay kahit papaano ay may pinagsamahan rin naman kaming dalawa.
"L-Ligtas na siya hijo kagigising lang ni Diana kanina pero nag-iiyak habang sinasabing sana ay hinayaan ko na lang siyang mamatay a-at hinahanap ka niya." ani nito. "K-Kakapalan ko na ang mukha ko hijo pero sana puwede bang bisitahin mo siya at kausapin baka sakali ay makinig siya sayo. Pakiusap, s-siya na lang kasi ang meron ako hijo ayoko pati ang anak ko mawala pa sa akin," umiiyak na saad nito.
Napabungtung-hininga naman ako hindi ko mapigilang hindi maawa kay tita Divina habang ito ay umiiyak na nakikiusap sa akin.
'I think I really need to talk to Diana and put some sense in her head'
"Sige po tita bibisitahin at kakausapin ko po si Diana."
"M-Maraming salamat, hijo."
Buong akala ko pa naman ay makakauwi na ko sa asawa ko.
Pagdating ko sa hospital room kung nasaan si Diana ay nakita ko si tita Divina na kinakausap ang gising nang si Diana.
"A-Anak... m-mahal kita kaya naman sana pilitin mong mabuhay para sa akin," pagmamakaawa ni tita Divina rito habang pinagbabalat nito ng mansanas si Diana.
"Ano pa bang silbi ng mabuhay ako kung wala naman nasa akin si Tyron. My life without him is meaningless," wika nito. "M-Mom, ayoko na pong mabuhay sana pinabayaan na ninyo na lang ako," saad ni Diana.
"Papaano mo nasasabi ang ganyang bagay sa mommy mo Diana samantalang alam mo na ikaw na lang ang meron siya," ani ko saka lumapit sa hospital bed nito.
"T-Tyron... n-nandito ka na," masayang sambit nito. "B-Babalik ka na ba ulit sa akin dahil narealize mo na mas ayaw mo kong mawala dahil hanggang ngayon mahal mo pa rin ako," ani ni Diana saka hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ito katulad ng iniisip mo Diana nandito ako dahil nakiusap at nagmakaawa sa akin si tita Divina ganoon ka niya kamahal. Tapos sasabihin mo lang sa kanya ang ganoong bagay," saad ko.
Binitawan naman agad ni Diana ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Dapat talaga ay namatay na lang ako," ani nito.
"Can you just stop your craziness, Diana!," I shouted at her.
"M-Maybe your right. I'm crazy for loving you Tyron," ani nito. "P-pinaparusahan ko lang naman ang sarili ko Tyron. A-Aminin ko ang tanga ko para piliin ang career ko, instead of you. Siguro masyado akong naging kampante na mananatili ka lang sa tabi ko palagi at yun ang naging malaki kong pagkakamali," umiiyak na saad nito.
"Now, you know my worth in your life Diana but it's already too late for you. I am already married and happy with my partner. Your only choice is to move on and keep looking forward in your life," saad ko pa.
"I-If you really want me to move on, help me," saad nito.
Hindi ko naman napigilang ang mapakunot-noo sa sinabi nito pero kung meron man akong puwede maitulong na para kay Diana gagawin ay ko.
"How?" tanong ko.
"Be with me in a month."
"What?! Are you really out of your mind?"
'Gusto kong matulungan si Diana pero nang marinig ko ang gusto nitong mangyari hinding-hindi ko iyon magagawa'
"Hindi ko naman hinihiling na 24/7 makasama kita ang gusto ko lang. You'll be at my side when I need you. I promise Tyron it's only a month after that I will be out of your life and you will never see me again," saad pa nito.
"It's a no, Diana," mariin kong tugon.
"Bakit Tyron natatakot ka ba na kapag nakasama mo ulit ako babalik ang pagmamahal mo akin?"
"Don't be full of yourself Diana I know my own heart and it's already belong to my beloved sweet husband," tugon ko.
"Ok fine, then... I should die," saad ni Diana saka nito kinuha ang kutsilyo na nasa gilid ng hospital bed nito na ginagamit kanina ni tita Diana pangbalat ng mansanas.
Itinapat ni Diana ang tulis ng kutsilyo sa sarili nitong leeg.
"P-Pakiusap anak ibaba mo 'yan," nagsusumamong saad ni tita Divina.
"Diana, put that knife down," ani ko.
"No! I want to die," sigaw nito.
"A-Anak hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin," umiiyak na saad ni tita Divina.
"I'm sorry, mom. Goodbye," saad ni nito.
Bago pa man maitarak ni Diana ang kutsilyo sa leeg nito ay maagap kong nahawakan ang kamay nito upang pinigilan ito sa balak nitong gawin at agad kong kinuha rito ang kutsilyo.
"Stop! This craziness of yours Diana!," sigaw ko rito.
"B-Bakit mo pa ko pinigilan Tyron wala naman na akong halaga sayo," ani nito.
Hindi ako makapaniwala na talagang balak nitong mapakamatay sa harap namin ni tita Divina.
"I agreed! I will help you but it's only for a month and then after that you have to keep your words," dagdag ko pa.
"Y-Yes, you have my word Tyron," ani nito.
"Good."
'Damn it! Paano ko ba sasabihin kay Renee ang bagay na ito'
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
Romance"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...