ZBS1#33

110 13 0
                                    

Tyron

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising sa gitna ng gabi nang maramdaman kong wala sa tabi ko ang asawa ko. Sanay na sanay na talaga ako sa presence ng asawa ko hanggang sa puntong nararamdaman ko kaagad kapag tumayo ito kahit sandali lang. Mabilis akong umikot para aninagin kung bukas ang ilaw sa banyo. Napakunot-noo ako nang makitang nakasara naman iyon.

"Sweetie?" tawag ko rito habang tumatayo sa kama.

I didn't bother putting on a robe, nakasuot lang ako ng silk black pajama bottom at walang pang-itaas na saplot na lumabas sa kuwarto. Nakarinig naman ako ng kaluskos mula sa kusina kaya tinahak ko ang daan papunta sa kusina.

Nagkasalubong pa kami ni Renee ng papalabas na ito ng kusina at napasigaw pa ito.

"What are you doing?" tanong ko pagkuwan ay napatingin ako sa hawak nito. Napakunot-noo ako nang makita ang cake na may maraming kandila.

"Happy Birthday!" nakangiting saad nito.

"Is it? Birthday ko ba ngayon?" kunot-noo kong tanong. Kung totoo iyon, hindi ito ang unang beses na nakalimutan ko ang sarili kong birthday.

"Oo, twelve o'clock na, June one na, birthday mo na!" malapad ang ngiting tugon nito. He was practically bouncing with energy. "Hipan mo na, thirty-three iyan." For some reason, I didn't like the sound of thirty three, it sounded so old compared to his age of twenty five. But his energy was overwhelming, natagpuan ko na lang ang aking sariling nakatingin sa dala-dala nito.

"Did you... Ikaw ba ang nag-bake nito?" tanong ko.

"Oo, gusto ko kasing every birthday mo ako ang mag-bake ng cake mo," nakangiting tugon nito.

He was smiling at me and his is eyes shining with sincerity and affection. Naramdaman ko ang pamilyar na init sa aking dibdib.

'May gumawa ba sa akin nito noon? May gumising na ba sa gitna ng gabi para sigurihing ito ang unang babati ng 'Happy Birthday' sa akin? None of my previous girlfriend ever did that and not even my parents did that nor my brothers'

I had never considered myself as sentimental but in this moment it felt so warm. Breathing shakily, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at idinikit sa noo nito.

'Ano na lang ang gagawin ko kung mawawala ito sa piling ko?'

Muli ay sumagi sa isip ko ang tungkol kay Diana isang linggo na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin magawang sabihin ito sa asawa ko.

"Okay ka lang ba, Tyron?" tanong nito.

"Y-Yes, I'm just happy that you're in my side celebrating my birthday."

"Ako rin masaya," nakangiting saad nito. "Dali, hipan mo na! pero mag-wish ka muna," excited nitong saad.

Nakasandal pa rin ang noo ko rito, mariin kong ipinikit ang aking mga mata para sa aking kahilingan.

'I wish that Renee and I will spend our life together and always be happy'

Humigit ako ng hangin at hinipan ang mga kandila. I never believed in birthday wishes, santa claus or falling stars, pero sa palagay ko ay naniniwala ako kay Renee, with his childlike faith and unreserved affection. I could not help but believe in him.

"Tara, kain na tayo," aya nito. "Doon tayo sa kusina."

"Okay," ani ko saka kinuha rito ang hawak nitong cake at sinundan ito sa kusina

"Teka, sandali lang," anito saka tumakbo papunta sa kuwarto namin.

Napabungtung-hiningang inilapag ko ang cake sa mesa. Pagbalik ng asawa ko ay may dala-dala itong medium sized box.

"Tada! buksan mo na," inilapag nito iyon sa harap ko saka ito umupo sa tabi ko at naghati na ng cake.

Navy blue ang balot ng medium sized box at may silver ribbon. Maingat ko itong binuksan, I was planning to keep the wrapper itself.

"Sana magustuhan mo ang regalo ko sayo," saad nito.

Anuman ang regalo nito, as long na galing ito sa asawa ko, I would love it. Nang matanggal ang balot ay natigilan ako nang makita ang loob nito.

"Bakit Tyron hindi mo nagustuhan o  ayaw mo ba ng kulay? Puwede ko pa naman na papalitan ---"

Hindi na nito natuloy ang iba pang sasabihin dahil kinabig ko na ito upang siilin ng halik sa labi nito.

"How was it possible that you seem to know exactly what I need?" nakangiting tanong ko matapos ko itong siilin ng halik sa labi.

"Noong tuwing isinasama mo kasi ako sa office mo at lunchtime natutulog ka sa desk kaya naisip kong unan na lang ang iregalo ko sayo," tugon nito.

"Thanks, I really like it."

Kinnuha naman nito sa box ang unan na regalo nito sa akin.

"Buti naman at nagustuhan mo hindi lang ito basta unan meron itong thousands tempur micro cushions sa loob. It relieves shoulders, neck and back discomfort by allowing neck and muscle to relax completely, ang galing di ba? pero ang pinakamaganda sa lahat ay may three year warranty ang unan na ito.

I can't help myself to smile, sa pagbibida nito ibinigay nitong regalo.

"May isa pa nga pala akong regalo sayo," anito saka tumayo at may kinuha sa bulsa ng shorts. May inilabas itong isang maliit na papel. "Eto, isang limited one-hour massage coupon!"

"What?" natatawang tanong ko habang nakatingala rito. "Ano 'yan?"

"Massage coupon, mamasahiin kita ng isang oras. Bukas ng hatinggabi ang expiration nito."

"What? That's unfair, bakit one hour lang? At bakit bukas agad ang expiration?" protesta ko.

"Uhm...ano kasi si Victor talaga may ideya nito nang malaman niya na unan ang regalo ko sayo samahan ko na rin daw ng one hour massage na may expiration date na hanggang hatinggabi dahil isang araw lang birthday mo."

I can't help but to smile by the silly taught that Victor putting to the head of my beloved husband.

"Gusto mo masahiin kita ngayon?"

"Hmm...sure," ani ko.

His finger started working their magic in the strained muscles of my neck and shoulders.

"Wow, where did you learn that?" tanong ko pa.

"May short courses sa barangay namin sa pagmamasahe nag-try ako noon."

"Hmm..." ang tanging na isagot ko na lamang. Muntikan pa kong makatulog sa loob ng isang oras na pagmamasahe ng asawa ko.

Nang matapos ito, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.

"Hindi ka lang masarap magluto masarap ka ring magmasahe. Magresign ka na sa trabaho at maging personal masahista na lang kita."

"Mas gusto ko pa rin po ang magluto."

"Ang bilis mo namang sumagot puwede mo naman pag-isipan."

"Hindi ko na po kailangan pang pag-isipan," ani nito. "Nakalimutan na natin itong cake," ani pa nito saka umupo ito sa tabi ko at naghati ng malaking slice ng chocolate cake saka ibinigay sa akin. "Tikman mo."

I smiled and took it, kinuha ko ang tinidor at nag-slice ng medium-sized portion at dinala iyon sa aking bibig. Then I chewed it slowly.

"It's good," nakangiting saad ko at masaya naming pinagsaluhan ang cake na gawa nito.

**********

Finally nakapag-update din sa wakas I hope may naghihintay pa rin ng update ko, maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon