XVII. Body Shot
What the hell? Bakit siya nandito?
Well. . . of course! He's friends with Gio, too.
Inayos ko agad ang sarili ko at umambang aalis pero nagsalita na siya.
"Already drunk?" nakakunot ang noong tanong niya.
Umiling agad ako at umiwas ng tingin. Napansin ko ring may mga nanunuod sa amin sa paligid. Shit.
"No. Medyo nahilo lang. Uhh, excuse me. Pupuntahan ko lang sila Treyton."
Mas lalong kumunot ang noo niya na para bang may narinig siyang hindi maganda pero hinayaan naman akong makalayo. Thank God for that.
Nagmamadali kong hinanap sila Bria pero nakita kong may kasama silang iba. Huminga ko ng malalim. Fine. They're single, too. They should enjoy meeting guys. Dumiretso na lang ako sa mesa ng mga inumin at nagpa-mix ng cocktail drink.
Nang makuha ko ang inumin ko ay tumayo lang ako sa gilid at nanuod sa mga naliligo sa pool. Di lang nagtagal ay may lumapit sa aking pamilyar na lalake. Panandalian ko siyang tinitigan dahil hindi ko maalala ang pangalan niya. I'm not really good in remembering names.
"Kuya MM!" I exclaimed the moment I remembered him.
He's years ahead of us pero mabait kasi 'to kaya close sa lahat. And he's Treyton's brother! Hindi nga lang namin masyadong nakakasama dahil hindi mahilig sa night life. Sa pagkakaalam ko ay after he graduated, he worked in Singapore for years kaya matagal naming hindi nakita. Hindi rin naman naiku-kuwento ni Treyton dahil sarili lang naman ang importante roon.
I kissed his cheek for a greeting and ask how he has been.
"You're away for too long, Kuya. How are you?" excited kong tanong.
Nandito na kanina pa si Treyton pero hindi man lang kami sinabihan na nandito na pala ang Kuya niya. Unggoy talaga 'yon.
They're all busy. Good thing Kuya MM is here. May makakausap ako kahit papaano. My mind will be away from overthinking what I heard in the comfort room. Ayokong pairalin na naman ang mga negatibong bagay. Peoples' judgment shouldn't rule me. Hindi na dapat ako nagpapadala sa mga sinasabi ng mga tao sa akin. Iyon narinig ko lang ngayon ang medyo nagpabagabag sa akin. Hindi ko lang maiwasang maisip na. . . baka nga tama pa rin sila.
Huminga ako ng malalim at ibinigay ang buong atensyon sa kausap.
Mattias Maximilian Silvestre. One of the heartthrobs in our University. Ang dami kasing nagkakagusto sa pagiging athletic nito kaso nga lang, wala namang naging girlfriend hanggang sa naka-graduate. Rumors spread like wildfire about him. Pero hindi ko rin naman iyon napagtuunan ng pansin dahil hindi naman ako interesado sa kung anong issue. He's still a brother to us no matter what he is.
Nakakagulat ang pinagbago niya kung titingnang mabuti. May pagkakahawig sila ni Treyton pero aminado akong mas magandang titigan si Kuya MM. Siguro ay dahil hindi ko naman siya nakakasama lagi hindi tulad ni Treyton na nakakasawa na ang pagmumukha.
Sa naalala ko ay hindi rin naman siya payat noon at matanggad na talaga. Now. . . he looked manlier and mature. Hindi maitatago ang ganda ng katawan niya sa suot niyang shirt at. . . pants. Now I understand why some girls were looking our way.
"Ang akala ko hindi mo na ako matatandaan." He laughed. "I'm okay. You? I heard you're managing your grandfather's business. Nasabi ni Treyton."
"Of course I will remember you," I laughed with him. "Yeah. Ilang buwan lang naman. Then si Dad na ang namahala." Paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
Любовные романыBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...