Chapter Twenty-four

59 3 1
                                    

XXIV. Official or Not

We changed our clothes after that little mess.


Mabuti at may dala siyang pamalit. I let him use the comfort room in our office. Damit lang naman ang basa sa kanya pero. . . alangan namang maghubad siya sa harapan naming lahat? Ma-eeskandalo ang mga ka-opisina ko lalo na't mga ka-edaran din ni Mommy. Nakakahiya.

Naghihintay ako sa labas ng cr dahil pinauna ko siyang magbihis. Mas basa naman kasi siya sa akin kaya hinayaan ko na at baka mas lamigin dito sa office.

To my shock, he opened the door and peeked. Ang akala ko ay bihis na siya pero isang braso pa lang ang naisuot sa striped crew-neck sweater na dala niya. I got a glimpse of his fair torso and I blinked. Nakita kong basa pala ang pants niya sa crotch area.

Nanlaki agad ang mga mata ko sa kanya.

"What the hell? Bakit hindi ka pa nagbibihis?!" I hissed.

Sa abot ng makakaya ko ay hindi na ako sumilip sa katawan niya. Heck. Katawan lang naman 'yan. Kahit katawan nila Treyton ay nakita ko na dahil mga hubadero 'yon (of course not the nude naked but just shirtless) kaya bakit pa ako maiilang?!
He boyishly smiled.


"Can you get my bag? Nandon 'yong isa kong pants." Pakiusap niya.

Napairap na lang ako at sumunod kaysa makipagtalo pa sa kanya. Kinuha ko ang messenger bag niya sa mesa at agad na inabot sa kanya.

"Thanks." Pagpapa-cute niya ulit.

Pero ako na mismo ang nagsara ng pinto sa pagmumukha niya. Nang matapos siyang magbihis ay ako naman ang pumalit. It's already 6:30 kaya pagkatapos ko sigurong maayos ang schedule ko for tomorrow ay hihintayin na lang namin sila Daddy para sa usapang dinner.

Sinusuklay ko lang ang buhok gamit ang mga daliri ko nang lumabas ng cr at maabutan si Alexander na nakasandal sa mesa suot na ang messenger bag at. . . handbag ko na nasa balikat niya rin.

Umaayos siya ng tayo ng makita ako at nahuli ko pa ang pagsuyod ng mata sa suot ko. I'm wearing a mesh puff sleeves black dress. Mabuti na lang at itim ang dalang bag ko ngayon kaya kahit papaano ay hindi alanganin sa suot ko ngayon.

Alexander pointed at the door. Parang biglang nahiya sa akin. Pero baka namamalikmata lang ako.

"Nasa baba na raw sila Tita. Let's go?"

Tumango ako. "I'll just arrange my work for tomorrow."

Tumango rin siya at bumalik sa ayos niya kanina para hintayin ako.

Nagsilabasan na rin sina Mrs. Uy kaya nagpaalam ako sa kanila. They had a small chat with Alexander kaya pumasok na ako para asikasuhi ang dapat kong gawin.

Pagkalabas ko ay mag-isa na ulit si Alexander doon kaya sabay na kaming lumabas ng opisina.

Convoy lang kami sa kotse ni Daddy hanggang makarating sa restaurant na sinasabi nila. When we arrived at the restaurant, a maître d' assisted us immediately to our table. Hindi ko alam kung bakit kanina ko pa rin pinapanood ang reaksyon ni Alexander habang papasok kami. May napagtanto lang kasi ako.

I remembered. . . he's not into fancy dining. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na iyon nakalimutan pa pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang hindi nga siya nagsisinungaling.

He's a little bit awkward and funny while looking around. It's as if everything's too expensive for him. Gusto ko tuloy mangiti pero pinigalan ko at baka magtaka pa sa 'kin. I find him really adorable in this state. Halos matawa pa ako ng parang tropa pa nitong tinapik ang balikat ng maître d' bago ito umalis.

The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon