I. Ties
I'm fucking late.
Napatingin ulit ako sa wrist watch ko at halos magdasal na sana ay namamalikmata na lang ako. But no. Late na talaga ako ng 15 minutes sa lunch kasama ang mga magulang ko at ang pinaka-importanteng tao sa lahat na si Gregorio Alegre---- my lolo.
Shit.Kung tao lang ang traffic ay matagal na sigurong sine-celebrate ang death anniversary nito. Bakit ngayon pa ako nahuli? I was never late in my entire life. Palagi akong on time o hindi kaya nauuna sa karamihan. Kaya bakit ngayon sa isa sa pinakaimportanteng lunch ay late ako?
Napatingin ako sa aking assistant na nasa manibela at nanunuod lang sa mga sasakyan sa paligid; having the time of her life. Right."Behati," I sternly called her.
Sa gulat ay napindot nito ang busina ng kotse at napamura. I heavenly rolled my eyes. My God, iyan na nga ba ang sinasabi ko sa sobrang pag i-instant coffee niya. Ikamamatay niya 'ata kahit ang pagkalabit ko sa kanya!
"Ma'am!" alerto niyang sabi.
"Why are we late again?" seryoso kong tanong at pinangkitan siya ng mga mata.
With my ¼ Chinese blood, I basically have chinky eyes and snobbish look. Kaya kapag pinaningkitan ko ng mga mata ang isang tao, it means I'm not in my nicest mood.
Pagbubuntungan ko talaga itong assistant ko dahil siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit kami late. Napapikit ako ng mariin. I can't be late for heaven's sake! Lalo na at naghihintay sa akin ang pinaka-perfectionist na tao sa buhay ko.
Mr. Gregorio Alegre isn't the kindest person I know. At kahit ang ganitong kasimpleng pagkakamali ay hindi niya ikinatutuwa lalo na kapag ako ang pinag-uusapan. As a matter of fact, he's basically not happy about my existence.
"Sorry, Ma'am. Masakit lang talaga ang tiyan ko kanina pa. Mabilis naman 'yong drive ko, naipit lang tayo sa traffic."
Mas lalong tumaas ang kilay ko sa kanya. She should know that traffic is the most common problem of commuters and private cars. Tss. Alam naman talaga niya but unfortunate thing happened.
"I'm banning you the next time I see you drinking instant coffee again."
"Ma'am?!" agad siyang lumingon sa akin na may nanlalaking mga mata. Na para bang ang sinabi ko ay hindi ko na siya pinahihintulutang huminga.
Sumunod sa galaw niya ang mala-noodles niyang buhok na may katamtamang haba at naka-highlight na kulay. Kung hindi ko nabasang mabuti ang resume niya ay pagkakamalan ko siyang high-school student. Good thing, she had the complete requirements needed 6 months ago. Kaya kahit papaano ay hindi ako nalilinlang sa kanyang hitsura at lalung-lalo na hindi nadadala sa nakakairita niyang puppy look.
"I'm serious, Behati. Hindi na nga 'yan maganda sa katawan mo, napupurnada pa ang lakad natin.""But. . . But--- iyon na ang dumadaloy sa dugo ko, Ma'am. I can't live without it---"
"Shut up. Drive now."
Umayos siya bigla ng upo at humawak sa manibela. "Okay, roger, Ma'am."
![](https://img.wattpad.com/cover/244621584-288-k638918.jpg)
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomanceBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...