XIX. Annoying
What's wrong with this?
Binuklat ko ang report na ipinasa ko kay Daddy kanina na pinakuha niya ulit ngayon. Halos mapatampal ako ng noo nang makita ang ibig niyang sabihin. It wasn't the report he's asking!
I felt my face flushed upon seeing my Dad's scrutinizing gaze. I cleared my throat. Shit. This is embarrassing.
"I'm sorry. Nagmamadali l-lang ako kanina," I explained.
Tumaas ang kilay sa akin ni Daddy habang pinaglalaruan ang ballpen. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya at napatitig sa pangalang nasa mesa niya. Henry C. Alvarado. Chief Executive Officer.
Nang ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya ay nakaangat na ang gilid ng labi nito. Halos kilabutan ako dahil parehong-pareho kami kapag nakangisi. His eyes were like mine. And if not for the vacation, our skin complexion will still be the same. Hindi mapagkakaila na anak niya ako dahil mas lamang ang namana ko sa kanya kumpara kay Mommy. Well, in appearance. Matagal ko nang natanggap na sa ugali, kay Lolo talaga ako nagmana. Siguro dahil kahit na ganoon siya, isa rin siya sa taong tiningala ko noong bata pa ako. Unconsciously while I'm growing up, following his lessons and preachments became my norm.
"Something's bothering you?" he finally asked. "You know you can tell me, baby. Is it about work or. . ."
Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya at napagdesisyunang umupo sa couch na naroon. Wala si Behati sa mesa nito kaya paniguradong may tinatrabahong utos sa labas. We can talk without me being uncomfortable because of Behati's presence.
I could finally ask Dad what's bothering me and at the same time, have the end of this arrangement. Kailangan kong malaman lahat para maagapan agad kung ano pa ang pinaplano nila Lolo.
Masyado na ba itong seryoso para gawin nila Lolo iyon? Without our prior consent? Seriously?
Kung gano'n. . . siguro nga ay may alam din si Daddy dito. Alam kong kahit papaano ay may ginagawa sila ni Mommy para hindi iyon matuloy. I know they want what's best for me. And that's my freedom to choose what I want in life.
"Are they really serious about this engagement, Dad?" I finally asked seriously.
Ang kaninang ngiti niya ay agarang nawala at napabuntong hininga. Napangiwi ako. Oh. . . I don't like the sound of it.
Are they going to push through it? Papayag din ba sila sa gusto ni Lolo at ng Lolo ni Alexander?
And here I thought that prick is already engaged. Ano? Hindi ko na talaga maintindihan!
Lucille Guevara is said to be his long-time girlfriend but a lot of people knew that they're not together anymore. At kung may pina-plano nga si Lolo na engagement noon pa man, ibig sabihin. . .
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto.
Napapikit ako nang mariin. I think, it made sense now. Kahit na hindi diretsong sabihin sa 'kin ay kahit papaano ay napagtatagpi-tagpi ko na ang lahat. Kung totoo mang tuloy na talaga ang engagement namin, marahil ay totoo rin ang kumakalat na balitang engaged na ang lalakeng iyon. At hindi sa Lucille Guevara na iyon kung hindi. . . sa akin.
They're just letting that rumor spread even though we're not yet engaged.
They're letting the people conclude that we're really together most especially our photos together were circulating online.
Lolo must have been planning this.
But that girl. . . she's the girlfriend, right? Hindi iyon magwawala roon sa party kung wala siyang pinanghahawakan sa lalakeng iyon. It's obvious that he two-timed us.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomantizmBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...