Chapter Seven

67 3 1
                                    


VII. Prevent


What's wrong with her?


My assistant was acting weird today. She's still doing her job very well but. . . she's not the lively and cheerful assistant I knew for months. Mukha lang itong robot na ginagawa ang function niya rito sa opisina. Hindi nga niya ako binati o inusisa nitong umaga!

Did I do or said something wrong to her?

Bakit mukha siyang problemado? Magulo kasi ang buhok niya-well, mas magulo ito ngayon kumpara sa dati na bearable at cute namang tingnan.

"Behati," I called her. "Order for our lunch. Ikaw na ang bahalang pumili. Same restaurant."

Automatic ang naging sagot niya at pagkuha ng telepono sa mesa niya. "Yes, Ma'am."

Napabuntong-hininga ako at hinayaan na lang muna siya. Baka nga ay may pinagdadaanan siya. It's up to her if she'll share it to me or what. Sa akin naman ay okay lang na makinig. But I'm not really good in giving advices because I'm usually frank and heartless. So I'll choose to become a listener if she happens to share it to me.


Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho ng tahimik kaya pareho kaming napapitlag nang may kumatok sa glass door namin. One of our workers-a guy(that I forgot the name) with probably same age as mine was shyly smiling at me.

Nang tumango ako ay itinulak nito ang pinto pabukas ngunit isinilip lang ang ulo sa kung anong sasabihin.



"May bisita kayo, Ma'am. Naghihintay po sa baba, kausap nila Sir Gerald."

Kumunot ang noo ko pero tinanguan ang empleyado.

"Okay. Tell him to wait."

"Sige po."

Nang umalis ito ay inayos ko lang ng kaonti ang nagulo kong mesa bago binilinan si Behati na pu-pwede lang muna siyang magpahinga. Pagkatapos kong maayos ang sarili ko ay nagtungo na ako palabas ng opisina.

Pagkalabas ko ng elevator ay bumungad sa akin ang malaking bulwagan kung saan mayroon ring nagkukumpulang mga trabahador sa bawat parte na abala sa pag-papackage ng mga naaprubahan at na-check ng product. Madalas ay dito rin ako dumadaan kapag nagtutungo ako sa opisina ko para matingnan na rin ang mga ginagawa nila.

Hinanap agad ng mga mata ko si Gerald kung kasama niya ang bisita ko. But I didn't find our merchandize manager in the flood of workers and instead, my eyes zoomed in to a familiar guy who's laughing and talking to some of the employees. Tumutulong ito sa pagbubuhat ng mga kahon at kung anu-ano pang mabibigat na bagay.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

Alexander Easton Sarmiento is here. . . He's my visitor?

Ano naman ang trip ng lalakeng ito ngayon?


Still with knotted forehead, I carefully walked towards his direction. Hindi ko alam kung bakit nag-iingat ako na hindi niya mapansin. Siguro ay gusto ko ring masaksihan kung ano talaga ang ginagawa niya without him noticing me.

He's wearing a denim button up shirt, black jeans and white sneakers. He looked like a college boy who'll be having his first real date. Is it the usual get-up of a gamer? Because he actually looked good wearing that. . .

Napakurap ako sa mga hindi kaaya-ayang napapansin at binalik ang totoong pinagtatakhan ko.

Natakot ko 'ata ang ibang trabahador dahil sa determinado kong ekspresyon. May mukhang balak akong batiin pero hindi na lang tumutuloy dahil sa nasa iisang deriksyon lang tingin ko.




The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon