II. To Decline
I fucking hate him.
There's so many reason to consider him as red flag. Una ay wala itong matinong plano sa buhay, pangalawa: masyado itong babaero, pangatlo: wala lang, hindi ko lang siya gusto and the list goes on.
Bakit iyon naisipan ni Lolo? And why of all people? Bakit nagkaroon ng koneksyon ang dalawa?
Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip at palaging humahantong ang plano ko sa isang desisyon. Of course, I'll decline. But how? Kahit kailan ay hindi ko nahindian sa mga gustong mangyari at ipagawa sa akin si Lolo. Kaya siguro malakas ang loob niyang gawin iyon ng hindi man lang ako inaabisuhan.
I sometimes hate being ruled like this. Because I am not a puppet for heaven's sake. Bakit ganito ang ginagawa sa akin? All my life I proved myself worthy for this position. Kahit na halatang hindi rin masaya si Lolo na babae ang tanging naging anak at apo niya. Ginawa ko ang lahat para patunayang wala sa pagiging babae ang kakayahan ko, na kaya kong gawin ang lahat ng ibibigay niyang trabaho. Dahil ayoko siyang ma-disappoint katulad ng naranasan niya kay Mommy.
I proved that we're entirely different when it comes to that. Na gaano kinahina si Mommy sa pamamalakad ng negosyo ay ganoon naman ang husay ko sa larangang iyon.
Pero bakit ngayon ay ipapagkasundo rin niya ako sa isa sa mga anak ng kilala at mayamang pamilya?
I don't understand.
Or I finally understood now. That. . . Lolo's view towards women is just for support and subordinate with their husbands and not to lead a company or organization. It frustrates me more that that's how he looked down on our individual capabilities and gender. Nakakapagod din pa lang may patunayan pa.
During that lunch, naging tahimik lang ako at nagtitimpi. Ayokong may masabing hindi maganda dahil sa gulat at galit na umuusbong. Good thing, our lunch ended right away dahil parehong may lakad sila Mommy. I freed myself on that suffocating table, excused myself, and headed away from them as much as possible.Everyone on the table knew. Ako lang itong walang ideya!
"Hya! What's wrong? Ngayon ka lang ulit nakasama sa 'min after graduation tapos mukhang namomroblema ka pa. May trabaho ka pa bang 'di natatapos?" Bria's loud chirpy voice dominated the music because she's too near to me.
Agad naman akong lumingon sa iba ko pang kaibigan na kasama sa aming couch at apologetic silang nginitian. Itinaas ko ang aking gimlet bago sumimsim roon."Natapos ko na. Medyo nag-aadjust pa rin ako." I honestly said to Bria after sipping on my drink.
Totoo naman kasi ang sinabi ko. Sanay akong nagtatrabaho mula pa noon pero aminado akong nahirapan din akong mag-adjust simula noong inukopa ko ang pwesto ni Lolo. Hindi man lang kasi naghinay-hinay at pwede namang ibigay kay Daddy na siya ngayong Admin Manager. Mukhang plano talagang ibigay sa akin ang pamamahala. Tinitingnan niya kung kailan siguro ako papalpak. He should know that it's not on my vocabulary to give-up in anything he'd give me. Dapat rin 'atang malaman ni Lolo na sa kanya ako nagmana.
At isa pa. . . wala talaga akong planong sabihin sa mga kaibigan ko ang napag-alaman ko ngayon. Afterall, hindi naman iyon mangyayari. I won't let it happen.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomanceBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...