Chapter Thirty-Four

56 5 1
                                    

XXXIV. Take it Slow





I'm in the mood to smile to everyone today.






Mukhang napansin ng mga nasa office at kahit no'ng mga nasa warehouse na maganda ang mood ko pagkatapos ng lunch pero wala namang nangahas magtanong. Kahit sa mga nagtatanong na factory workers tungkol sa trabaho ay magaan lang akong ngumingiti at sumasagot. I probably looked fucking creepy. Akala siguro no'ng iba ay sinapian na ako. But I can't really help it. Hindi ko mapigilang mapangiti sa simpleng mga bagay.





May isa pang nakasira ng patong-patong na plastic pero hindi man lang ako nagalit. Though it was an accident, napagsabihan ko naman ang mga naroon. Still, with all smiles and good aura. Shit. Kahit ako ay naiirita na sa sarili.


What the fuck is happening to me?



Dahil lang ba nagkaroon ng linaw sa pagitan ni Alexander, pakiramdam ko may lunas na sa maraming bagay? Well, I'm exaggerating but I really feel unproblematic right now. Hindi katulad noon na mabilis mag-init ang ulo ko kapag may nagkakamali at kadalasan may napapagalitan pa kaya ilag ang mga workers sa 'kin.






I tried so hard to act normal as much as possible for the remaining hours of my work. Kapag maaga ang pagpasok ko ay maaga rin ang uwi ko katulad ngayon. I chose to kill time inside Dad's office. Maaga pa naman at mamaya pang seven ang usapan namin ni Cameron.


Ugh. I almost forget that.




Nang makarating sa floor ng office ni Daddy ay namataan ko agad ang medyo nakakairitang kulot ni Behati. And because I'm in a good mood, I smiled at her. Her eyes glimpse at me for a second before turning back her attention in front of her PC. Though, she immediately looked back at me again. Akala niya siguro ay namamalikmata lang siya.








"Ma'am!" she smiled and almost jumped on her seat like a cute little frog.


"Behati," I acknowledged her and notice the new highlight on her hair. Hindi ko lang napansin kanina nang medyo malayo pero kapag tititigan sa malapitan ay may iba nga. "Is Dad inside?"

"Yes, po. Nasa loob din 'yong Mommy niyo kanina pa."




Medyo naningkit ang mga mata ko pero hindi na nagtanong pa at nagpasalamat na lang. I didn't knock because I know they were just the two inside. Hindi naman sinabi ni Behati na may bisita kaya wala akong maiistorbo.

Or not. . .






I almost face palmed seeing my Mom giggling while sitting on Dad's lap. It's like a familiar scene in a book or drama that you'll catch the boss cheating with someone. Though it's my Mom on his lap. Naglalandian lang talaga sila.




Medyo padabog kong sinara ang pinto at pareho pa silang nagulat na may taong pumasok. When they saw it was just me, hindi naman umalis si Mommy sa pagkakaupo at yumakap pa sa leeg ni Daddy. The latter was mastering his serious expression. Tss. Akala siguro hindi ko nahuling ngumingiti at may kung anong binubulong kay Mommy.







Dumiretso ako sa ref na naroon para kumuha ng yogurt at spoon naman sa pantry. Pagkatapos ay bumalik agad at padaskol na umupo sa couch. Tinaasan ko sila ng kilay bago umiling.




"Parents, it's too early," I scooped on my freezing yogurt and eat it with gusto. "Tapos na ba trabaho niyo?"



"We're just resting," Mommy giggled. "Are you done with yours?"

"Yeah," linagay ko ang handbag ko sa malayo habang tumayo naman si Mommy para lumapit sa'kin. May pahabol pa na kilitian ni Daddy kaya gusto kong mapailing sa ka-sweet-an ng dalawa.






The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon