Chapter Twenty-two

59 4 1
                                    


XXII. Normal Talk

He's teasing me in front of my employees!

At dahil sa tanong niya ay nakuha nang mangantsyaw ng lahat. This guy really likes me cornered. Anong gusto niyang palabasin?

Inirapan ko agad siya.

"I'm just shock you know how to draw, okay?" I said. "Ang akala ko ay katakawan lang alam mo," dugtong ko.

He was not offended about what I said and instead he laughed. Ako tuloy ang medyo nahiya dahil alam kong hindi maganda ang sinabi ko. I should show off not bully him! Napatikhim na lang ako.

Iiling-iling si Alexander habang mahinang tumatawa. Dumungaw agad sina Roan sa pagmumukha niya at parang na-e-engkantong tumitig. Shit. Seriously?

"You keep on underestimating me, I noticed," he smiled at me. "Do you want to see more?"

Napakurap ako bigla. Anong. . .more ang ibig niyang sabihin?

Iyong ano ba. . .

Napansin ko ang pagkawala ng ngiti niya at pagkurap din. Pagkatapos ay biglang napaiwas ng tingin sa 'kin. I instantly did the same. Nag-init ang pisngi ko. What the hell was that?! Bakit alam kong nalaman din niya kung anong iniisip ko? And what has gotten into my mind?! Bakit biglang 'yon agad ang na-imagine ko?

Bria's been polluting my mind! Bakit ba ang hilig niya sa gano'ng genre at themes?

Biglang sumipol ang lalakeng empleyado ko kasabay ng pigil na tawanan ng iba. Shit. Have they noticed, too?

Mabuti na lang at mabilis sila sa ginagawang sketch kaya isa-isang pumunta sa computer desk ang designers. Sumunod din ako at pilit kinakalimutan ang kung anong klaseng 'tension' na nangyari kanina sa pagitan namin. This is just the first day and it's been awkward already. Paano pa kaya ang mga susunod?



"You're done already?" tanong ko ng hindi tumitingin sa mga mata niya.

Kinuha ko na 'yong sketch sa mesa nang makitang tapos na nga siya at nagpunta sa bakanteng computer.

Naramdaman kong pumuwesto agad siya sa likuran ko at nanuod. He leaned just above my head and placed both of his hands on the side of my swivel chair. Napalunok ako pero pinilit ang mag-concentrate.

Nakakainis na ganito ang epekto niya sa 'kin. It was so strong I'm starting to think I should let it go. Pero may pumupigil pa rin. Natatakot ako. Gusto kong malinawan sa mga bagay. Gusto ko rin na sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko.

Wow. Ngayon ko pa talaga naisip 'to pagkatapos ng lahat. After the kisses?

Napapikit ako ng mariin para iwaksi ang mga alaalang 'yon.

And what about him? Marami pa rin akong hindi alam sa kanya. What if it's just a passing sexual tension for him? I will probably cut connections with him if he'd tell me that. Because I honestly don't want that.


Kahit na tutol ako sa engagement na gusto ni Lolo ay hindi naman ibig sabihin no'n na wala na akong kainte-interes sa pakikipag-relasyon. I'm actually a hopeless romantic, seeing my parents so in love made me wish to have that kind of connection, too. That was why when I liked. . . Cameron, I really exerted an effort saving the relationship.

Matagal ko bago na-realize na pilit ko lang liniligtas ang meron kami kahit na hindi na naman talaga ako masaya. It really embarrassed me kung bakit ako nagpadalos-dalos.

And now. . . I want to make sure. I want to know what he really feels, too. And most of all, I don't want Lolo controlling everything.

At kung itong nararamdaman ko sa lalakeng ito ay totoo na talaga. . . I'm willing to throw away what I've promised myself years ago. I'm willing to face this trauma to try into a realtionship again. This time, I'll make sure it's worth the risk.





The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon