XXI. AttractiveI think this has been long overdue.
Kasama naman iyon sa plano pero wala talaga muna akong balak pagtuunan ng pansin. Because of that. . . I got disappointed with myself. Hindi puwedeng maapektuhan ang anumang mayroon kami sa kung anumang darating na plano para sa kompanya. I'm becoming unprofessional.
Ano naman kung ayaw ko siyang makatrabaho? He's a great asset to the company! Kahit iyong issue nga lang sa aming dalawa ay naging dahilan rin ng curiosity ng karamihan sa kompanya na dala ng apelyido ko. Ito pa kayang mabubuong kontrata?
Matagal na ang huling usapan namin tungkol do'n at hindi na nasundan pa. I almost thought it wasn't serious. Nagkikita kami pero hindi na 'yon kailanman nabanggit pa. Interesado pa rin ba siya? O na-realize niyang lugi siya sa amin. . .
And why is that? I'm sure we're one of the best! Lalo na at nandito kami sa sentro. There are just three toy manufacturers in the country. Those two were based in Cebu and Cagayan de Oro kaya lalayo pa ba siya?
If he needs more persuasion, I'm willing to compromise for the company.
Pinang-initan ako ng pisngi. I don't know why I instantly remembered his annoying boyish grin. Na para bang bata na pinagbigyang maglaro sa labas.
After contemplating whether I'll text him or not because it's not on my character to do that, I have decided to talk to my father first. Nabanggit ko na iyon sa kanya noong isang buwan pa. Kaya nagtataka ako kung bakit hindi man lang siya nagtatanong.
It may feel awkward working with him pero aminado akong malaki ang magiging silbi niya sa kompanya. His developed mobile game was in demand so was the developer himself. Ang daming nakakakilala sa kanya na para bang palaging may nakasunod na mata sa kanya.
What about his privacy? I think he could do something about that. . .
Napailing ako pagkaraan. Bakit ko pa ba iniisip ang safety ng gagong 'yon? I'm sure he can protect himself. Alam naman no'n mag-isip kaya hindi ko na 'yon kailangan pagsabihan pa. Sino ba ako?
The girl he wants to kiss every damn time whenever he wanted to?
Napapikit ako ng mariin. Oh, shut up.
Pagkatapos kong ayusin ang kaonting nagulong papel sa mesa ay nagtungo na ako sa taas kung nasaan ang office ni Daddy. Nang makarating sa floor ng office niya ay napataas ang kilay ko sa babaeng nasa mesa sa labas lamang ng pinto ng opisina.
Is that fucking Behati? Seriously?
She was busy typing on her computer when she noticed me. Para pa itong patalon na tumayo. She was grinning as if I'm a walking ice cream.
"Ma'am Hya!"
"What happened to your hair?" sa halip ay tanong ko. "Hindi ka na kulot."
Napahawak bigla ito sa itim at straight nang buhok. Malayo sa nakasanayan ko noong nagdaang isang taon.
"H-Hindi ba bagay, Ma'am?"
Nagkibit balikat ako. I don't really know. I don't know which I like better. Mas maayos siyang tingnan ngayon, parang tumingkad pa nga ang ganda na mukhang hindi naman napansin ng karamihan noon dahil sa mata ng marami ay bata ito. It's just that. . . I think it's far from her character.
Though hindi rin naman masama ang ayos niya. She looked more corporate than a lost high school girl in an office.
"Fine. Is Dad busy?"
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomanceBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...