VIII. Plan
Behati's missing.
Kinakabahan na ako at nakailang tawag na rin sa phone niya ay laging out of coverage area. Hindi niya pa rin ako nasusundo rito sa condo at paniguradong male-late rin ako.
Nasaan siya? Bakit hindi siya ma-contact?
Tumawag ako sa opisina at nakumpirma ring wala pa siya roon. Of course, she isn't there! She's my personal driver, too!
Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Huwag niya akong pinag-aalala dahil sesesantehin ko talaga siya!
Napapitlag ako nang biglang mag-ring ang phone ko. I got disappointed because it wasn't Behati's ringtone.
Nang tiningnan ko ay si Mommy ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Mom?"
"Morning, sweetie. . . A-Are you in office now?" may pag-aalala sa boses niya.
"Wala pa po, eh. Could you please fetch me here in my condo? I can't contact Behati."
Inaayos ko na ang mga gamit ko nang marinig ang singhap ni Mommy. Right? Bakit hindi ma-contact ang reliable na assistant kong 'yon? Kahit 'ata nasa bingit ng kamatayan 'yon ay hahanap ng paraan para asikasuhin ang mga utos ko.
Ugh. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'yon. Nagdududa tuloy ako na baka may kinalaman ang pagiging MIA niya sa kakaibang kinikilos niya nitong nakaraang mga araw. She was always distracted these past few days.
"Oh my, why? Natawagan mo na ba?" Mommy asked.
"I don't know what's happening. Kanina ko pa rin siya tinatawagan. . ." nag-aalala kong amin.
"Okay, we'll fetch you, okay? And. . . we are with your Lolo right now, sweetie. . ." Mommy whispered.
Nalaglag ang panga ko.
What?!
Bakit? Anong nangyayari?
Akala ko apat na buwan pa ang pahinga niya?
"Is he coming back to work?" maingat kong tanong.
I don't know if I'll feel relieved or what. Hindi ba dapat ay maging masaya ako dahil makakapag-pahinga na ako? Pero bakit parang nalulungkot ako?
Nonsense.
Ugh. If he's really back then it's good for me. Hindi naman nangangahulugan na kung bumalik na siya sa puwesto ay wala na akong karapatang tumulong. I guess they'll put me somewhere. . . I'm suited. That's good, right?
Nalulungkot lang siguro ako dahil sa halos isang taon ko as a CEO, pakiramdam ko ay hindi ko pa naibigay ang best ko. Hindi ko alam kung marami talagang kinakaharap na problema ang kompanya pero sa ilang buwan ko roon ay na-stress ako sa halos araw-araw na aksidente at problema. That's why I feel this way. Everytime I'm doing something, I always give my all. Ngayon lang parang nakulangan ako sa sarili kong kakayahan.
"Let's talk, okay? Malapit na kami sa condo. . ." ang maingat na sagot ni Mommy.
Mas lalo akong kinabahan pero kinalma ang sarili sa kung anong pwedeng mangyari.
"Okay po. Bababa na ako," I said before turning off the call.
Pagkatapos ma-check ang loob ng condo ay bumaba na ako para sa harapan na lang ng building maghintay sa kotse.
Minutes later, nakita ko agad ang pamilyar na kotse ni Daddy kaya hinintay ko itong tumigil sa harapan ko. Mas domoble ang kaba ko pero hindi ko ipinakita.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomansaBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...