Chapter Ten

65 3 1
                                    


X. Surprise


I was just silent the whole 25-minute plane ride.







Hindi ko lang gustong makipag-usap at pakiramdam ko ay pagod ako sa mga trabahong tinapos ko bago itong bakasyon. Because Behati's nowhere, I did all the remaining unfinished works given to me as CEO.


Humarap din ako sa maraming meetings kasama sila Daddy dahil sa Admin Department ako malilipat pagkatapos ng bakasyong ito kaya dapat alam ko na ang pasikot-sikot ng trabaho roon. I liked it there, actually. Siguro dahil mas kaonti lang ang tao sa department na iyon at halos lahat ay ilang taon ang tanda sa akin. Mga ka-edaran ni Mommy at Daddy. I don't know but I felt a little at ease because of that.






Hindi rin naman ako nakatulog sa byahe dahil madali lang ang 25 minutes. Nakinuod na lang ako sa phone ng katabi kong si January. It's a vlog of someone I don't know. Well, sino ba naman ang kilala ko? Kahit nga artista ay kaonti lang din ang kilala ko. Mostly, schoolmates lang namin o hindi napapanuod ko lang sa TV.



Nakinuod na lang ako kahit hindi ko mahuli ang humor mayroon ang babaeng nagsasalita hanggang sa makarating kami sa isla.





Sumabay na kami sa mga bumababa ng ma-settle ang lahat at pu-puwede nang kunin ang mga bagahe. The guys helped us get our things who were complaining at the same time.






". . . Lutos, you sure this is the last?" natatawang tanong ni Keanu.

Nasa tatlong bahage kasi ang dala ng bruha. Natatawa na rin ako habang inaabot ko ang bagahe ko sa compartment. Someone from my back helped me so I let him thinking it was Treyton or Dario. Ngunit nang may maamoy akong pamilyar na pabango which is annoying why I'm familiar with his smell, I got a little bit awkward.


I cleared my throat.




Dahil ba nagkapikunan kami kanina? But it's normal for us to hate each other! Kahit noong college ay madalang lang ang interaction namin pero sa lahat ng iyon ay pareho naming ipinapakita ang disgusto sa isa't-isa.


Why the hell I am feeling awkward right now? This is just crazy.




At bakit siya lumalapit sa akin? Dapat ay panindigan niya ang sagot niya kanina kayna Bria! Bakit kung makaasta ang lalakeng ito ay parang komportable siyang lumalapit sa akin? What the hell is wrong with him?






Kunot-noo ko siyang tiningala mula sa likuran ko habang maingat na inaabot ang bagahe ko. Naramdaman niya siguro ang talim ng tingin ko kaya sinilip din niya ako sa pagitan ng nakataas niyang mga braso. Seryoso niyang itinaas ang isang kilay na wari'y nagtatanong. He's fucking asking me 'what' on his expression.

Wow. You're asking about it, really?

Kanina lang ay mukhang napuno ka na sa 'kin, ha. Tapos ngayon lalapit-lapit ka!




Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo bago ko narinig ang isang mahinang click halo sa ingay ng iba pang pasahero sa eroplano. Nahuli ko pa ang mabilis na pagbaba ni Atarah ng kanyang phone at tawanan ng mga kaibigan namin.




"Kainis! You forgot to turn off the capture sound!" reklamo ni Bria sa tabi nito at pilit na inaagaw ang phone.

"Sorry naman. Lucas likes taking pictures, okay?" Atarah laughed.






Kinunan nila kami ng picture? What for? Napairap na lang ako at hinayaan na si Alexander na dalhin ang gamit ko. Ayoko namang makipagtalo pa dahil obvious na pasimple kaming pinapanuod nila Dario. Mas naiirita lang tuloy ako.




The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon