Chapter Thirty-three

52 4 1
                                    

XXXIII. Truth



I don't want to be clouded again by judgment.




Kaya makalipas ang ilang araw na balik sa trabaho ay nagkakausap pa rin naman kami. Though, just through texts and calls. He kept on insisting that we meet for lunch or dinner but I always decline. Busy naman kasi talaga ako araw-araw at alam kong siya rin.

Gusto ko rin na makapag-isip-isip nang mabuti sa mga narinig ko no'ng soft opening. I don't want to see him yet because I might jump into conclusions again. Kapag nakikita ko siyang ngumingiti ay baka mag-init lang ang ulo ko.

He wouldn't notice I'm avoiding him, right?



Napahilot ako sa sentido ko. Of course, who am I kidding? Syempre napapansin niya! Kaya nga gustong-gusto niyang makipagkita, tumatanggi lang ako. Our last call, I think I pissed him off.


Hindi lang ako sigurado kung gaano siya kaasar. He said he'll still see me anyway. And I think it's a threat. Siguro nga ay masyado na akong nag-iinarte at immature. Na dapat ay diretsuhin ko siyang kausapin at tanungin.


But. . . I'm scared to know the truth.




Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung totoo 'yon.




Shit. Sumasakit tuloy ang ulo ko kakaisip. Once and for all, it should be settled as soon as possible. Hindi dapat pinapatagal. Kasi mas lalo lang akong nag-ooverthink. Ito na 'ata nagiging trabaho ko araw-araw imbes na gumawa ng makabuluhan.




Kahit sa kalagitnaan ng trabaho ay maiisip ko 'yon. Sa pagbuo ng puzzles o kahit sa dapat na mapayapa at relaxed na yoga. It's frustrating that I've been overthinking about it and at the same time immature to avoid him just because I am starting doubting us.

Hindi dapat gano'n, right? I should be reasonable in handling this! Hindi na kami mga bata. We should be enjoying our relationship. Not like this.




Kinuha ko ang phone ko sa handbag at balak siyang i-text nang bigla namang may tumawag na unregistered number.


Who the heck is this?

Kahit na medyo naiirita sa biglaang tawag ay sinagot ko pa rin. Nagtataka kung sino pa ang nakakaalam sa personal number ko. Baka isa lang 'to sa mga kaibigan ko na nag-change number. . . or not.



Dahil hindi boses nila Treyton o ninumang malapit sa 'kin ang narinig ko. The voice was utterly familiar yet I can't point who it was.





"Who's this?" seryoso kong tanong.

"Hya, it's Cameron. . ." he said in his usual deep tone.


Nagulat ako and at the same time nagtaka na rin. Natahimik ako ng ilang segundo.




Why did he contact me here? Where the hell did he get my number?

Kahit papaano, nakuha kong maging kalmado nang magsalita.


"Yes? May kailangan ka ba?" if he's gonna be doing business with us ay sana nag-email na lang siya.



At nandito pa rin pala siya. I thought he's back in Japan. Hindi na naman siya ulit nagpakita na parang masamang espiritu.







"I want to schedule a lunch with you but I saw Atarah a while ago. Hiningi ko ang number mo."


Tumaas ang kilay ko.


The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon