Chapter Nine

63 3 1
                                    


IX. Jinx

I'm taking back what I've said.


If I'm having my vacation. . . why would it be with someone else?! Akala ko ba bakasyon ko? Bakit ako may kasama? And seriously? Sa lalakeng iyon? Nababaliw na ba sila?

I'm still contacting Behati and she's been MIA for 4 days now. What the hell? Ano na ang nangyari sa kanya? Kung narito siya ay siya ang dapat na kasama ko! She could be sued for doing this to the company but I'm still considering what would be her reason. Kahit na napipikon ako sa pagkawala niya ay mas nangingibabaw ang pag-aalala ko.

Sana naman ay walang nangyaring masama ro'n.

But still, she should be with me in this vacation because she's the one who's with me for the past months I'm handling La Alegre. Not that. . .

I grunted and looked at my luggage near the edge of my bed. There's a strong urge to put the dresses back in my closet. Gusto kong umatras pero na-plano na namin ng mga kaibigan ko ang lakad na ito.

It's just shocking na gusto pala ni Lolo na kasama ko pa ang lalakeng iyon. Seriously? Hahayaan nila ako ro'n?

And for the nth time, lalong magdududa ang mga kaibigan ko na there's really going on! Ngayon pa lang ay nakikinita ko na ang hitsura ng mga iyon kapag nakita ang kasama ko.

Shit. Bakit ba palaging sumasang-ayon ang lalakeng iyon? Wala ba siyang sariling desisyon? Why would he obey such command as if he's a fucking trained dog?

Ang linaw-linaw ng usapan namin noong huli. Ang akala ko ba'y magkikita lang kami for business purposes? About his proposal for his heroes for toy production? Bakit biglang nagkaganito?

Wala ba siyang pinagkakaabalahan sa buhay maliban sa bwesitin ako? Why would he waste time in coming with us when he probably could buy his own island with his group of friends?

At isa pa, galing kay Treyton ang invite dahil member siya sa Island Club na iyon. Does that mean I have to ask him first if he'll add Alexander on his guests? Napahilot ako sa sentido ko. Shit. Kahit na anong iwas ko ay marami talaga silang malalaman.

I was searching for Treyton's phone number to decline his invitation when I heard the ringing of my condo's doorbell. Kumunot agad ang noo ko pero nagkakutob na.

I put my phone down on the bed and made my way outside my room to peek who's on my door. Naningkit ang mga mata ko nang makumpirmang naroon nga sa labas si Alexander. Mas lalo lang nadagdagan ang init ng ulo ko.

Nang makita kong magtatangka na naman siyang mag-doorbell ay padaskol kong binuksan ang pinto. Lumipat lang ang mga mata niya sa akin at walaghiyang sinuri ang kabuuan ko. I'm wearing a mesh puff-sleeves blue summer dress. Tinaasan ko agad siya ng kilay at kahit ayoko ay tiningnan rin ang ayos niya.

He's wearing a blue fitted shirt, twill shorts and black slippers. Nakasukbit din sa likuran niya ang isang itim na backpack. Wow. He's very prepared.

At ang mas nakakainis pa, pareho iyong shade ng kulay ng damit namin. Para bang pinag-usapan namin ang susuotin.

Shit. Tumuloy talaga ang lalakeng 'to? Pwede namang gumawa na lang siya ng kuwentong magkasama kami!




"Are you for real? Talagang pumayag ka sa sinabi ni Lolo? Ang akala ko ba'y nag-usap na tayo?" naniningkit ang mga matang sikmat ko at agad na humarang sa pinto.

Nag-iingat lang ako at piling mga tao lang ang pinapapasok ko sa condo.

"Why not? I need a vacation, too. Come on. Male-late tayo sa flight. Where's your things?" sagot niya at sumilip pa sa likuran ko.

The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon