Chapter Twenty

70 5 3
                                    


XX. Snob




What's so funny?!





Halos magdabog ako papuntang kusina at kumuha roon ng kung anong maiinom. Shit. He's fucking annoying. He's obviously laughing at me. For what? Dahil naisahan niya ako? Dahil ganoon ang reaksyon ko? He's a jerk for considering all of these amusing.

It's not funny!




Habang umiinom ng halos nangangalahating nagyeyelong bottled water, nagtaka ako kung bakit hindi niya binulabog ang doorbell ko na ginawa niya noon para mas lalo akong maasar. Instead, it was unbelievably quiet as if his appearance a while ago was just my imagination.



Mas lalong kumunot ang noo ko nang wala talagang sumunod na ingay. Hindi niya pinaglaruan ang doorbell at kahit katok ay hindi niya ginawa. I tiptoed towards my door again, too scared he will hear my footsteps.

Marahan kong idinikit ang tenga ko sa pinto at nakinig.

Nothing.


Nang sumilip ako sa peephole ay wala talaga siya roon. What the heck? Umalis agad siya?


Bumalik ako sa sala at umupo sa couch habang iniisip kung pinagti-trip-an ba ako no'n. Nang tuluyang tumunog ulit ang doorbell ay halos umabot sa bumbunan ang taas ng kilay ko. Hah. Babalik din pala.




I was probably wearing a smirk when I ran towards the door and opened it. Nakahanda agad ang mayabang kong ngiti at nakataas na kilay. But to my disappointment, it was Bria who was waiting outside.


Bigla akong napahiya sa sarili ko. What the fuck was that?

Kanina lang gusto kong burahin ang pagmumukha no'n tapos no'ng pagsarhan ko, gusto ko namang guluhin pa ako? What the heck? Nakakakilabot na parang nagiging mababaw ako ng dahil sa lalakeng 'yon.


I should stop this. Bakit gusto kong sinusuyo ako ng walang hiyang 'yon? It's far from my character! Ano siya, sinu-suwerte? Doon siya sa girlfriend niya! Bakit ba siya lapit nang lapit sa akin?

Pinormal ko ang sarili ko at linuwagan ang bukas ng pinto para kay Bria. Her expression was already skeptical while looking at me.





"Are you waiting for someone else?" aniya.

"No." mabilis kong sagot na may blangkong ekspresyon. "Pumasok ka na. Inaantok na ako."


Dumiretso agad kami sa kuwarto ko at ilinagay niya ang mga gamit niya sa couch na naroon. Pumesto agad ako sa kama para humiga habang linalabas niya naman ang laptop sa dalang bag. Napairap ako sa dami ng gadgets na dala niya. I though we'll just watch? Bakit may dala siyang camera at Macbook? Seriously?




"Magta-trabaho ka ba?" agad kong tanong.

She immediately smiled sheepishly at me. Oh God. Isasali niya ba ako? I'm uncomfortable with cameras!


"Please, Hya? Just few questions?" she smiled at me.

Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa kanya. No way.

"No. You do your work and I'll sleep. I don't want to be late tomorrow."

"Three questions." She compromised. "Your one week lunch is on me." habol niya pa.



Tumaas agad ang kilay ko sa kanya. Wow. She's willing to do that. That only meant na may mga tao talagang interesado sa akin. I don't really know. Hindi ko naman nasisilip at kahit si Lucas na kapatid ni Atarah ay hindi natutuwa kapag humihiram ng phone ko. Wala kasi masyadong laman.



The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon