VI. Never again
Why did this happen?
Agaran ang pagreply ko sa mga kaibigan ko habang naghahanda sa pagpasok sa trabaho. I don't have any idea why there's a website that talked about us even we're just having a dinner. Like. . . is it a big deal? Sa rami ng mga kilalang personalidad, sigurado akong hindi ako kasali roon. I'm an heiress. So what? Ang daming tagapagmana rito sa bansa from different places and provinces. Paano ako nakilala ng gossip website na iyon? I don't even have a social media account! E-mail lang ang mayroon ako dahil importante iyon sa trabaho.
Sa isang gabi lang. . . naging usapan na kami?
I jolted when I heard the familiar beeped of my phone indicating my assistant's text message. My ringtone lang kasi na para sa kanya lalo na kapag may importante siyang pakay o emergency. Nang makitang nasa labas na siya ng condo ay inayos ko na ang mga gamit ko para lumabas.
I instantly felt Behati's weird glances at me the moment I stepped inside the car. Kumunot agad ang noo ko sa kanya.
Umiinit ang ulo ko dahil kahit na maganda ang gising ko, hindi naman naging maganda ang bungad ng umaga ko.
"What?" I snapped at her.
Napakurap siya bigla. "Uh, wala naman, Ma'am. Ang blooming niyo ngayon." She smiled cutely.
Umirap ako sa pambobola niya at tinuro ang daan.
"Just drive." Naiirita kong sabi at biglang naisip na utusan siyang dumaan sa restaurant na pinuntahan namin kagabi. "Pass by on Carlotta's Banquet. I'm starving."
"Okay, Ma'am!" masigla niyang sagot at pinasibad na ang kotse.
Sumandal na lang ako nang maayos sa upuan habang pinapanuod ang nalalampasan naming mga sasakyan.
Nararamdaman ko ang pag-vibrate at tunog ng phone ko sa bag ko pero hindi ko na iyon sinilip pa. My contact lists just consist of few people I know personally. Ang calling card na mayroon ako ay contact naman sa kompanya. Kaya sigurado akong kung hindi si Mommy ang may kailangan ay paniguradong mga kaibigan ko lang iyon.
Nangungulit pa rin sila dahil wala naman akong sinagot sa mga tanong nila. I simply said that we're just having a dinner last night. Syempre ay mas gusto nila ng mas malinaw at detalyadong sagot. Kaya ayoko lang muna silang kausapin dahil sumasakit lang ang ulo ko sa mga tanong nila.
Hindi ko alam na ang simpleng dinner kagabi ay hahantong sa ganito. But I guess, hindi iyon mapipigilan.
Probably. . . many people knew me?
Right.
There's this one time that I posed in a magazine way back in college. The magazine tackles about women empowerment, businesses and regimes. Dahil isa ako sa anak at apo ng mga kilalang businessmen na maagang nagtrabaho sa sariling kompanya ay naanyayahan ako ro'n. But we were 10 women in the cover and the said issue was just one of the magazines for elite. Alam kong hindi na iyon masyadong mapapansin at isang beses din lang akong pumayag no'n.
Napapayag lang ako ni Lolo noon pero sinigurado kong iyon ang una't huli dahil ayoko talagang humaharap sa camera. Sana pala ay tinaggihan ko rin iyon. Look what's happening now.
When we arrived, I got disappointed when they told us they're not open for orders yet. Alas onse pa raw sila nagbubukas kaya binigay na lang ang contact details ng restaurant.
Pinaalalahanan ko na lang si Behati na roon um-order ng lunch namin.
Nang makarating kami sa opisina ay agad kaming nagsimula sa trabaho. Iginugol ko na lang ang buong atensyon ko sa mga kailangang tapusin dahil pahinga ko bukas. I don't want to think about work when I'm having my rest day. Isang araw lang ang pahinga ko kaya dapat sinusulit ko.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomanceBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...