XXVIII. TasteShit. Am I doing it right? Are we doing it right?
After slicing potatoes, carrots, and apple, linagay ko lang 'yon sa paligid ng dalawang patty sa tray kasama na ang olive oil, rosemary and sage leaves na roughly chopped. Hindi ko na alam masyado ang ginagawa pero sa tingin ko ay maluluto pa rin naman ang mga 'to. Mabuti na lang at kahit papaano ay tumutulong si Alexander kaya hindi lang ako ang nap-pressure dito. Ugh.
Pagkalagay sa oven ay halos taimtim na magdasal ako. Sana naman hindi palpak!
Paglingon ko kay Alexander ay halos nahihiya pang ngumiti sa akin. Gusto pa 'atang makipag-apir pero inirapan ko na.
He chuckled when I made my way again to the stools to sit. Tumabi siya sa akin at nangalumbaba.
"Sorry. It was shockingly hard. Akala ko madali lang." he said lightly.
"Now you know how frustrating it is." Pasungit kong sagot at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.
Shit. Todo pawis na pala ako!
Naramdaman ko agad ang kamay ng katabi ko na inaayos ang takas kong buhok. Hindi ko alam kung anong unang ire-react ko pero hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. After all, I like him this near, too. At saka, dapat lang na pagsilbihan niya ako. Siya naman ang dahilan kung bakit haggard ako ngayon. Tss.
"You were great. Akala ko nga kanina nag-take ka ng short course sa cooking." Pambobola niya pa habang ramdam ko ang titig niya sa mukha ko sa malapitan.
Napairap ako pero hindi na napigilan ang ngisi.
"Oh, shut it."
"What? I was just telling the truth. Lalo na 'yong pag-chopped mo sa ingredients? Feeling ko sasaksakin mo ako kanina, eh." biglang buwelo niya at nang-aasar na humalakhak.
Nanlaki ang mga mata ko at halos itulak siya sa upuan niya dahil ang akala ko ay totoo na. Inaasar lang pala ako. This asshole!
"Oh I almost did," I raised a brow at him. "Good thing you helped. Kasi kapag nanuod ka na naman, sa 'yo ko ginamit ang kutsilyo." I joked but with a straight face.
Natigil naman siya sa nang-aasar na tawa at napakurap pa. I wanted to laugh at his expression but I stopped myself just to play a little. One thing I realized about him, madali siyang takutin o utuhin. Hindi ko alam kung sa akin lang ba siya ganito because I do have an intimidating face or sadyang ganyan talaga siya. Nevertheless, he's adorable.
Pero mamatay na lang muna talaga siya bago ko aminin 'yon sa pagmumukha niya.
"Hindi ka naman mabiro." Tumawa ulit siya pero halata na ang ngiwing tinatago.
I just gave him a triumphant smirk.
Nang tumunog na ang oven sa sinet na time ay pakiramdam ko'y pinanlamigan ulit ako sa kaba. Alexander probably mirrored my expression, too. Pareho naming first time itong niluluto namin!
Tsk. Kaya pala masyadong nag-aalala bago umalis si Nanay Anding kanina. She knew he'll mess it up. Sino ba kasing nagsabi sa lalakeng 'to na magpakitang gilas?
Nagselos lang, magpapakitang gilas na?
Nag-init ang pisngi ko sa mga iniisip ko. Wow. I'm too full of myself. Malay ko bang gusto lang talagang makipag-dinner ng tao? And they probably have some misunderstanding with his cousin years ago na wala naman akong kinalaman.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomanceBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...