XI. Learn
It wasn't just a normal breakfast for me.
Pakiramdam ko ay hindi ako matutunawan sa mga tanong nila Dario sa katabi ko. Kanina ko pa rin sila pinandidilatan para tumigil na pero mukhang tuwang-tuwa lang sa pang-aasar sa akin. What the hell?
"Thought you were dating Leslie. Saw you with her on Valentines." Keanu said.
Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo at tinapunan ng masamang tingin si Keanu sa mas personal na tanong nito.
Alexander laughed which sounds embarrassed.
"We were together in high school but never worked out when we entered college. We're good friends 'til now, though."
"Leslie Valderama?" gulat na untag ni January. "She recently entered showbiz, right?"
"Yeah."
"Woah. She's different from your exes!" Bulalas ni Bria.
Lumipat naman ang pandidilat ko sa kanya. Urging her to stop commenting like that. Bakit ganyan ang mga sinasabi nila? Shit. Sumasakit ang ulo ko sa mga pasaway na 'to!
"Hindi naman siya alien kaya okay lang siguro," Alexander said lightly.
Tumawa sila Atarah na para bang kinikiliti. Bigla akong pinanindigan ng balahibo. I never heard them laugh like that! Ngayon lang. Seriously?
"I thought you have a particular type in women. Remember in Stone5? You were quite wild, man." Natatawang sabi ni Treyton at tinapunan ulit ako ng naasar na ngiti.
Naningkit ang mga mata ko. Ano naman ang ibig sabihin niya sa tingin niyang 'yan?
"Matagal na 'yon. Medyo pare-pareho ang trip natin no'n," Alexander chuckled and sipped on my pineapple juice. "Though we were kinda drunk, I was sober enough to witness what you all did there."
Nagkatawanan na silang mga lalaki na parang may inside joke. Ako naman ay nalipat na ang pansin sa hawak niyang baso.
This guy! Uminom siya sa drinks ko.
Nanlaki agad ang mga mata ko dahil do'n. "That's mine!" saway ko.
Pero uminom pa rin siya at natutuwa lang na sinilip ako sa gilid ng baso. What? Bumabawi ba siya sa pag-inom ko ng tubig niya kanina? Well, damn him. We're not that close to let him drink on the same glass I'm using!
Ugh. Fine, ako ang nauna kanina. But that was just my mistake. Madalas akong tumungga ng kung anong maiinom kapag frustrated ako o naiinis. Tss.
"Uhaw na ako," simple niyang sagot at iniumang iyon sa akin na para bang may itinira siya akin pampalubag-loob. "Here."
"At sa tingin mo, iinom pa ako niyan?" pagtataray ko.
Masama ko siyang tiningnan pati na rin sila Lotus dahil sa nanunuksong mga tingin. Umirap ako at tumawag ng waiter para um-order ulit ng maiinom.
Nangingiting nagkibit balikat si Alexander at sinagot ulit ang iba pang tanong nila Atarah. He's obviously enjoying the attention. Kahit na personal ang mga tanong ay hindi naman siya na-ooffend. Madalas kasi ay hindi naman matino ang mga sagot niya at dinadaan lang sa biro. I knew that the guys had hang-out with him since college because of the common friends we have. At sa pagkakaalam ko ay nabibilang din sila sa iisang brotherhood kaya magkakaibigan ang halos lahat ng mga lalake sa higher at lower batch.
"Hindi ba ex mo rin si Angela De Jesus? She's a former beauty queen that's why almost everyone knew her." Pang-iintriga ni January.
Paano sila nakakasagap ng ganyang mga impormasyon? Ang dami nilang alam sa mga ex ng lalakeng ito.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomansBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...