XLIII. Insecure
He can't be here!
Bakit pa siya sumunod dito? Paano niya ako nasundan?!
And why the fuck he looked like that? He had the nerve to look hurt after what he did, huh. Ang kapal naman ng mukha niya.
Anong akala niya? Maaawa ako sa kanya?
Hindi dapat ako ang umiiwas. Siya dapat ang umalis dito at hindi ako. He should stay the fuck in his office with his girl for the rest of their lives. Wala akong pakialam!
Ano pang ginagawa niya rito?! Gusto ko lang magkaroon ng payapang bakasyon. Why won't he give me that?
With trembling hands, I fished for a summer dress to change.
Yes. I'm gonna enjoy this vacation. Hindi puwedeng ako ang nahihirapan dito. He should stay the fuck away. He knew I'm serious about what I said.
I'm really mad but I don't know what to do about it. I'm not petty to hurt him physically just because his face irks me. I want to scream my hate and frustrations pero pakiramdam ko, talo pa ako pag ginawa ko 'yon.
I ended up crying again because I'm frustrated with myself.
Shit! Nakakaiyak sa sobrang inis!
Pagkapalit ko ng damit ay dinala ko ang mga gamit na kakailanganin ko. Hindi na rin ako nag-ayos at tinali lang ang buhok.
If I'll stay more inside of this cottage the whole day, I'll get more frustrated thinking about what happened. At least I need to see something more refreshing.
Nang masigurong naka-lock na ang pinto ko ay naglakad na ako sa pathway papunta sa isa sa mga sun lounger malapit sa dalampasigan.
Pumili ako ng medyo malayo at nasa lilim ng isang puno. It was actually already far. Malapit na iyon sa boundary ng resort. May mga malalaking bato ilang metro lang ang layo na tumatakip sa kung anumang mayron sa kabilang dako. Another resort or. . . a private property, perhaps?
Inaayos ko ang maliit kong bag kung nasaan ang lotion at iba pa. Nagdala rin ako ng librong babasahin.
I heaved a sigh of relief when I'm settled on the sun lounger. Hindi pa sumisikat ang araw kahit mag-aalas siete na. Wala rin masyadong naliligo sa dagat kaya tahimik sa puwesto ko. Tumingin ako sa harapan at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
Minutes later when I'm sure I calmed my nerves, I started reading the book I brought. Pero ilang segundo lang ay may napansin na ako sa peripheral vision ko na naglalakad papalapit.
Annoyed, I rolled my eyes.
Come on.
Inangat ko ang tingin at seryosong tiningnan si Alexander na bagama't halatang nag-aalangan ay hindi naman tumigil sa paglalakad.
The nerve of this guy!
Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro at parang gusto ko siyang sampalin no'n. Fuck. I'm trying my best not to become violent but he's really testing my patience!
Ano pang kailangan niya sa 'kin?!
Do I need to knock some sense on him? Gusto niya bang literal ko siyang pukpukin ng bato sa ulo?
He's wearing a plain white shirt that's tracing his body because of the wind. Naka-tsinelas lang siya at nagugulo rin ang buhok dahil sa hangin. I frowned and averted my gaze. He's an eyesore.
Naiirita akong huminga ng malalim nang maramdaman kong tumigil siya malapit sa gilid ko.
"Leave me alone," I said right away.
BINABASA MO ANG
The Art Of Hating
RomanceBlurb: Proving herself to deserve everything she works hard for, Hyacinth Bliss Alvarado didn't expect the turn of events when her Lolo introduced her to someone she hates. Will that feeling change? Or will it intensify into more unwanted feeling...