Chapter Twenty-three

63 6 1
                                    

XXIII. Messing

He's definitely staring.

Binaba ko ang hawak at nahuli nga ang titig niya. His face wasn't serious though. It was playful.

"What now?" I asked him, annoyed.

Kanina pa siya. Naiirita na ako at hindi na ako makalunok nang maayos! Kakain ba siya o tutunganga? Napaka-imposible na binabalewala niya ang burger na nasa harapan niya ngayon.

"You're mad?" he was still smiling cutely at me.

Fuck. Nakakaasar talaga ang pagmumukha ng lalakeng 'to.

"What do you think?" sikmat ko

Tinatanong pa ba 'yan?

"What did I do?" instead he asked.

Kinuha na nito ang burger at sa harapan ko ay lumaki ang bunganga at kumain.

He's still a pig when eating. Gusto kong mapailing.

"You know it already. Why would you do that in front of the employees? Nakakahiya!"

Tumaas ang kilay niya. "What? I was so happy. I just thanked you."

"By kissing me? Puwede naman ang tapik sa balikat. Iyon pa talaga sa harap ng maraming tao?"

"Why? Gusto kong itapik 'tong labi ko sa labi mo, eh." Ngumunguya niyang sagot at nagkibit-balikat.

What the hell?

Nanggigigil akong kumain. Mukha kasing nagmamaang-maangan pa siya at gustong umaktong ayos lang 'yon.
We're having our snacks bago kami bumalik ulit sa loob ng factory. I have to tour him, too. Gusto niyang makita ang iba pang machine sa paggawa. He's a client kaya dapat na pagbigyan ang kung anong gusto niya.

I'm probably nagging him now. Pero hindi naman tungkol sa trabaho ang pinu-punto ko. It's about what he did in front of my employees. It's not. . . appropriate. And even though we were alone, I won't allow him to do that.

Talaga lang, ha.

I wanted to laugh. Even my mind is mocking me.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nahuli ulit na nakatitig sa akin. He was waiting what I'll say next. Mabuti na lang at kami lang ang nandito sa mesa dito sa admin kung saan madalas kaming kumain. Nasa opisina ang mga kasama ko sa floor na 'to at abala na sa ginagawang trabaho sa mga PC nila ayon sa nakikita ko mula sa salamin. Kaya kahit na may nahuhuli akong sumisilip sa amin ay thankful ako na hindi nila kami naririnig.

Nang makalunok ay nanggigil ko ulit siyang senermonan. Mas nadagdagan lang ang asar ko nang makita 'yong amusement sa mga mata niya.

"Are you hearing yourself? We're not even together so why would you kiss me?" nag-iinit ang pisngi na tanong ko.

Tumaas ang kilay niya.

"Let's make it official then,"hamon niya.

Gusto ko siyang batukan dahil nakakagigil talaga. But I won't do that.


"What? Why would we make it official? Did you even court me?" I can't help but be sarcastic.

Gano'n lang ba sa kanya kadali 'to? Seriously? If he go easy about it, would it be easy for him to shrug it off, too?

Hindi ko alam kung napansin niya ang pag-iiba ng mood ko dahil nanunuod ito sa ekpresyon ko at mabagal na ang pagnguya. When he's done, he wiped his hands with napkin.

He cleared his throat. "Are you finally giving me chance, then?" tanong naman niya.

Mas nag-init ang pisngi ko. Anong chance naman ang sinasabi niya? Nagtanong ba siya sa akin about chances?

The Art Of HatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon