Kanata 22 :Friends

178 16 4
                                    

Inihatid kami ni Shanara sa magsisilbi naming silid. May isa itong lampara sa gilid na nagsisilbing liwanag sa kabuuan ng kwarto. At sa bandang gitna naman ay isang malaking dayaming nakapatas na may nakapatong na puting tela sa ibabaw, sa tabi nito ay may baul na sapat nang paglagyan ng gamit namin.

Napaka ordinaryong silid ngunit sapat na ito upang maging komportable na kami ni Lorraine.

"Hindi ito tulad sa dormitoryo ng Vampire Academy ngunit batid ko ang kaligtasan niyo dito sa loob kumpara sa labas"

Napatingin ako sa maliit na bintana sa silid at pinagmasdan ang mga bampirang naglalakad. Ang iba sa kanila ay tila mangangaso para maibsan ang pagkauhaw sa dugo.

Ano na lamang ang mangyayari kung malaman nilang tao kami?

"Ayos lang yon, kesa sa labas kami matulog hindi ba Audrey?"

"Sige na Shanara ayos na kami rito"

Ngumiti ito samin at bago umalis ay may huli pa itong sinabi.

"Maaari ko bang hiramin si Lorraine?"

Nag puppy eyes ito sa akin kaya naman agad akong napa oo

"Amf, ganon mo lang ako ipahiram beshong? Para naman akong gamit niyan!"

Natawa naman ako ng magpadyak ito kaya bahagya ko siyang nahampas.

"Hindi mo na talaga ako love! Sinasaktan mo na ako!"

"Sira! Libangin mo ang iyong sarili ng maibasan ang takot at pangamba mo"

Nabigla ako ng yakapin ako ni Lorraine.

"You're such a good friend"

"Para saan pa na naging kaibigan mo ko kung hindi kita mapapasaya?"

I hugged him back tightly and look to her eyes directly.

"I'd made a promise to take you out here but for now be brave. I'll do everything to make you happy"

"What a nice scene"

Shara said while pouting. So cute.

"Friend ka rin namin noh! Come here lets have a group hug!"

Sambit ni Lorraine tsaka hinila si Shanara at inipit namin ito ng yakap.

"Take care my friend Shanara. I don't wang to lose her"

Ngumiti ito at bumitaw na sa pagkakayakap samin.

"don't worry ate audrey I won't anybody to hurt her"

"good"

"pano ka beshong?"

"okey lang ako dito. Sige na enjoy your day. Wag kalimutan na may klase tayo mamaya ha!"

Tuluyan na silang umalis kaya naman naiwan ako mag-isa sa kwarto.

Nang matapos kong mag-ayos ng gamit ay wala na akong ibang magawa minabuti ko ring itago ng mabuti ang isang boteng may pulang likido na binigay samin ni Aris upang maging bampira rin kami. Mahirap na makita ito ng lola. Sa paglabas ko ng silid ay nagulantang ako ng bumungad saking harapan si supremo.

"A-anong ginagawa mo diyan?"

"Hinihintay kitang lumabas"

"Bakit hindi ka na lang kumatok?"

"Because I think you don't want to disturb you inside"

Napataas ang kilay ko.

Ang weird niya.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon