Kanata 20 :The other side

183 17 0
                                    

"Ano ba yan beshong ang sakit naman sa ilong nyang pabango mo!"

Inamoy ko ang sarili ko at di naman masama ang amoy.

Kabibili ko lang ng pabango sa isang botique pagtapos namin magkita ni supremo kagabi.

"atsaka ano yang nasa mukha mo?"

Napatingin ako sa salamin at wala namang mali sa itsura ko.

"may date ka ba?"

"WALA NO!"

Agad kong kinuha ang gamit ko sa side table para umalis.

"teka 5 a.m pa lang? 6 pa ang klase ah"

Napatingin ako sa wall clock at sa bintana. Wala pang liwanag akong nakikita dahil napaka aga pa para pumasok at isa pa 6 a.m to 6 p.m ang klase namin.

"may trabaho pa ako"

Ngumiti lamang ako sa kanya sabay takbo palabas ng dorm namin.

Dumeretso ako sa isang coffee shop para man lang bayad sa pagtuturo niya sakin kagabi.

"Binibini ang aga mo naman ata"

Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa counter at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"anong hilig na coffee ni supremo?"

Ang ngiti nito ay napalitan ng pagkakunot niya ng noo.

"Vanilla Cream Latte"

"Isang vanilla cream latte at mocha flavor"

Sambit ko sa babae sa counter para umorder.

"kaya ba blooming ka ngayon dahil kay supremo?"

"HINDI NO!"

Nag cross arm siya at tinitigan ako ng maigi kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"para san yung kape?"

Lalo siyang lumapit sakin kaya naman napaatras ako.

"Aris ano ba?! Pang thank you ko lang sa kanya dahil tinuruan niya ako ng telepatiya"

Lumayo naman ito sakin. At lalo akong na weirduhan ng makita ko ang lapad ng ngiti sa mukha niya.

"ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko"

Napataas ang kilay ko at pilit ko inalala na hindi ko pa nga pala siya natatawag sa pangalan niya.

Ano naman ang big deal don?

"ang telepatiya ay kusang umuusbong na abilidad ng isang bampira"

Sambit ng babae habang inaabot ang order ko.

Chismosang bampira ka gurl.

"huli lang atang umusbong ang abilidad niya"

Agad naman akong hinila palabas ni Aris palabas ng coffee shop para di na makahalata pa ang babae.

"gusto mo bang turuan kita ng chess?"

"marunong na ako non"

Naglakad na ako at siya naman ay patuloy sa pagsunod sakin.

"kung ganon ay pwede ba kita makalaro pag may libre kang oras? Ililibre kita ng kape kung gusto mo"

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Kung totoo nga ang sabi ni supremo na may gusto sakin si Aris ay dapat ko na siyang layuan.

Crush ko siya pero di siya yung tipo ng lalaking gusto ko makarelasyon.

"wala akong panahon pakipaglaro sayo. Ang iniisip ko ngayon ay matapos na ang kontrata sa pamilya mo at makaalis sa lugar na to"

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon