Kabanata 34 :Constellation

118 9 2
                                    

Bitbit ko ang ilang gamit niya papuntang dorm nila. Tahimik lang kaming naglalakad, di ko maiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ang likod niya.

"Di ko alam kung sino ang nakaitim na maskara, nag imbistiga ako sa mundo namin at walang nakapansin sa kanya don. Marahil ay gumamit siya ng salamangka para maglabas pasok sa mundo namin"

Paumpisa niya na di lumilingon sakin.

Hindi ko alam kung anong pakay ng nilalang na iyon pero batid ko na masama ang plano niya kaya gusto niya pabagsakin ang superior at supremo.

"Napag alaman ko na maraming namatay na bampira sa mundo namin dahil sa mga rebelde. Sigurado akong may kinalaman ang nakaitim na maskarang yon sa mga nangyayaring patayan"

Pumasok na kami sa dorm niya at nilapag ko ang mga gamit niya sa kalapit na sofa. Pinag masdan ko siya sumandal sa tabing pinto.

"Bakit ka bumalik dito kung may nangyayaring ganon sa mundo niyo?"

"Dahil umabot sakin ang balita sa nangyari sayo kanina. Ang superior na ang bahala sa kabilang mundo. Kailangan ako dito. Kailangan niyo ko ni lorraine. Humahanap ng kahinaan ang kalaban para pabagsakin kami ng superior"

Umupo ako sa sofa at ganoon din siya. Huminga ako ng malalim at humanap ng lakas ng loob para magtanong.

"Kung ganon aalis na kami dito kesa sa ikakabagsak ng Academy baka maging dahilan pa kami para mapabagsak kayo ng superior"

Napalunok ako ng tumitig siya sakin. Di ko mawari kung anong pinararating niya.

"Di pa tapos ang kontrata"

"Bakit hinayaan niyong pumasok kami rito? Di kami nababagay sa lugar na ito"

Bakit nga ba?

Anong dahilan bakit kailangan tapusin ang kontrata kung pwede namang umalis na kami. Di ba siya natatakot na magamit kami ng kalaban nila para mapabagsak siya?

Nabigla naman ako ng yakapin niya ako.

Natulala ako sa ginawa niya. Tumagal ng ilang minuto bago siya bumitaw.

Nagkatitigan kami kaya naman napaiwas kami ng tingin sa isa't isa.

"P-para saan yon?"

"ahhh... Mabango ba ang bago kong perfume?"

"Ha?"

Naguluhan ako sa sinabi niya inamoy amoy niya pa ang damit niya.

"Bumili ako ng pabango sa mundo namin pinaamoy ko sayo kaya kita niyakap. Mabango ba?"

"O-oo ayos naman"

Tumayo siya at tumakbo sa kwarto niya.

Ang weird.

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng alalahanin ang ginawa niya.

Ilang minuto din siya nakayakap sakin pero di ko naamoy ang pabangong sinasabi niya.

"Alipin ipagluto mo ko!"

Sigaw niya mula sa kwarto.

Naghalwat ako sa ref. niya agad naman ako nakakita ng lulutuin ko.

It's already 11:00 o'clock in the evening late dinner narin.

I prepare pork stew dahil may nakita akong iilang gulay para mailahok dito.

Kumuha ako sa isa sa mga cabinet niya ng supot na dugo para sa drinks niya.

Tapos na ang blood celebration di tulad ng ibang estudyante may sariling supply ng dugo ang mga kinauukulan.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon